MILES POV. HABANG nag-iinuman ang magpipinsan kasama ang mag kakapatid na sina Brix. Nakamasid lang ako sa kanila, ngayon ko lang nakita si Brix, na ganito kasaya. Siguro dahil lumaki itong walang pamilya. Kaya sabik na sabik sa mga kamag-anak. At natutuwa akong makitang abot tenga ang kanyang ngiti. Ganito ang gusto kong makita sa isang Brix, maligaya na tila walang problema, maligaya at laging may ngiti sa labi. "Macy, thank you, Hija, sa pagmamahal sa aking anak. Alam kong hindi sapat ang mga salita ko sa lahat ng nagawa mo para kay Brix. At napaka swerte niya dahil ikaw ang kanyang natagpuan." hindi agad ako nakasagot dahil wala sa hinagap ko na kakausapin ako ng ama ni Brix. Masaya akong nakikita siyang ganyan. "Huwag ka pong magpasalamat sa akin dahil normal lang naman po iyon sa