BRIX POV. GABI, lihim ang aking ginawang pag punta sa address na nakapaloob sa sinasabing last will and testament na sikretong mansion. Hindi ako makapaniwala na mayroon ganoong mansion ang aking lolo na nakatago sa isang sikretong lugar. Kaya sa ganoong oras ay pinuntahan ko. Subalit pagdating sa lugar ay isa iyong abandonadong building na nilulumot ang paligid. Ilang beses kong tiningnan ang address pero iyon talaga. Baka hindi lang alam ng aking lolo ay matagal ng walang nakatira doon? Maaaring wala na rin ang mga luxury car na sinasabing nasa basement ng mansion at baka na nakaw nang mga akyat bahay gang? “Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Alam mo bang maaari kang barilin ng mga tauhan dito sa mansion?” Hindi agad ako nakapag salita sa boses na aking narinig pero dahan dahan akong