BRIX POV NAPAHINTO ako a pagpasok ng makitang masarap ang tulog ng aking anak pati na si Lynne. Ang makitang magkayakap ang dalawa ay nakakapagpasaya sa aking pakiramdam. Ngunit agad rin akong napa iling sa walang kwentang bagay na pumapasok sa aking isipan. Ano ba ang nangyayari sa akin, bakit parang lumalambot na yata ang puso ng isang Gabriel Brix Guevarra? Nakalimutan ko na ba kung gaano kalaki ang atraso ng babaeng ito sa akin pati na ang pinsan nitong si Alias? At ang mga taong walang awa na nagpahirap sa akin noong mga panahong wala akong kakayahang lumaban? Hahayaan ko na lang ba na manatili silang malaya at nagagawang maging masaya? No way! Sumumpa ako sa aking sarili noon magpahanggang ngayon na wala akong palalampasin. Pagbabayarin ko lahat sila, lahat ng may kaugnayan sa lugar