MILES POV. HABANG nakamasid ako kay Gabbi, hindi ko na pigilan at napaiyak ako. Kung nagkataon pala ay maaaring mamatay ang aking anak. Dahil ang allergy na dumapo kay Gabbi ay kulay puti at nakakamatay pala iyon. Mabilis ang pamamaga ng lalamunan kaya pala nahirapan agad huminga ang aking anak. “Anak, salamat at nagawa mo pang makapagsalita ng mga oras na iyon. Kundi ay baka iniwan mo na kami ng Daddy mo.” “Huwag ka na pong umiyak Mama Lynne, magaling na po ako.” “Payakap ako anak, miss na agad kita.” “Mama Lynne, ano po ang nasa braso mo bakit ganyan ang kulay?” “Ahm, wala ito anak. Ilang araw lang ay mawawala din agad ito.” sinikap kong ngitian ang aking anak upang hindi siya mag-alala. “Wala po ba si Daddy ko?” “Naririto siya anak, gusto mo bang tawagin ko siya?” “Please po Ma