MILES POV. SA wakas ay nakarating din kami sa kinaroroonan ng aking anak. At pagtingin ko sa oras ay almost lunch na. “Hindi ba nahihirapan dito ang aking anak? Napakalayo nito sa kabayanan, paano kung may gustong kainin ang anak ko hindi niyo agad maibibigay sa kanya?” “Mamaya mo sabihin iyan pag nakita mo na si Gabbi.” agarang sagot ni Alias sa akin. “Whatever!” at pag kahinto ng sasakyan ay mabilis akong bumaba. Subalit napahinto rin agad sa paghakbang ng bumukas ang pintuan sa ‘di kalayuan. Napa kunot-noo ako ng mamukhaan ang babaeng nakatayo doon. Kilalang kilala ko ang babaeng ito, agad akong nakaramdam ng kaba ngunit hindi nagpapahalata. “Anong ginagawa mo dito at nasaan ang aking anak?” “Wow! Anak mo si Gabbi?” tila painsulto niyang tanong sa akin. “Nasaan siya, ilabas mo an