"Mabuti pa, Amelie sundan natin ang paniki, sigurado akong lalabas sila para humanap ng pagkain," sabi ni Lucas na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Tinatalunton namin ang makitid at madilim na daan. Hindi namin alam kung tama ba ang dinadaanan namin pero nagbabakasakali kami na baka mahanap namin ang lagusan. "Paano? Hindi tayo marunong lumipad." "Silly." Iling niya. Hinila niya ako nang makita ang nag-iisag paniki na tila may tinatalunton at hindi lang pabalik-balik sa paglipad sa loob ng kuweba na ito. Nabuhayan ako ng pag-asa lalo na nang marami kaming nilikuan na tila alam talaga ng paniki kung saan ang daan. Hanggang sa makita na nga namin ang butas na sumisilip ang liwanag ng buwan. "Sa wakas! Akala ko dito na tayo mamatay!" Naiiyak ako sa tuwa. Akalain mo, may alam pala sa