Chapter Four

928 Words
Nanalalaki ang mata ko. Napaurong. Ngunit isang kilos pa ay mahuhulog na ako sa kinauupuan kong bato. Ang unang pumasok sa utak ko ay ang tumakbo ngunit nasukol na ako sapagkat nakaharang na si Lucas sa daraanan ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napipikit. Hindi ko kayang tingnan ang katawan niya na nakadisplay sa harap ko at gahibla lang ang layo sa'kin. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Lucas. "Kasi..." Wala akong maisagot. Hindi naman pwede na basta aminin ko na lang na naininilip ako sa kanya. Kaya sa halip napayuko na lang ako. "Look at me Amelia." Hindi siya tuminag. "I said look at me!" "Sino ba kasi si Amelia? Sa kanya ka mag demand?" Nagkaroon ng gitla ang noo niya. "What?" "Si Amelie ako, hindi si Amelia." sabi kongg hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Alright, Ano'ng ginagawa mo at kung bakit nakatago ka diyan sa halaman?" Tanong niya na tila nakikipag-usap sa isang batang paslit. "Wala, masama bang tumambay dito sa halamanan? At saka gusto ko kasi tumingin sa mga orchids at ro - Aray!" Napakislot ako nang matusok ako sa tinik ng rosas nang hawakan ko iyon. Pero sa panggilalas ko ay mabilis na kinuha ni Lucas ang kamay ko. At tiningnan ang daliring nasaktan. Natulala ako lalo na nang partikular na dumako ang mata ko sa labi niya nang hinipan niya ang daliri ko. Agad na lumatay ang sensayon sa katawan ko nang maramdam ko ang dumamping hangin sa daliri ko. Nakapagbigay iyon ng kiliti sa'kin. Naakit akong dampian ng halik ang labi niya. "Malayo sa bituka." Ang sinabi niyang iyon ay nakapagpabalik sa katinuan ko. Naputol ang magandang moment. Parang gusto kong tusukin ang mata niyang walang ka-concern-concern sa'kin. "Again, bakit pinapanood mo ako mag swimming, namboboso Ka? May gusto ka ba sa'kin?" "Ang assuming mo naman masyado! Hindi lahat ng babae naakit sa'yo 'no! Sorry ha pero hindi kita type!" "Really?" Naalarma ako nang unti-unti dinikit ang katawan niya sa'kin. Gusto kong tumakas ngunit tila napako naman ang mga paa. Gusto ko yatang takasan ng ulirat nang kinuha niya ang kamay ko at dinala sa tyan niyang may six packs abs. Nanginig ako lalo na nang giniya niya ang kamay ko pahaplos sa abs niya. Pataas-baa. "So hindi mo ako type?" "Ty - " Tinikom ko ang bibig ko bago pa tuluyan na umamin. "Hindi nga kita type! Kaya lang ako nanonood dahil nakaka-engganyo ang swimming pool!" "Ganoon?" Tumango-tango siya. "Yes! Sobrang assu- " Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman kong hindi na nakaapak paa ko sa lupa. Binubuhat niya ako! Tumili ako. Pilit na kumuwala. Pero kahit binigay ko na ang buong lakas ko sa pagpupumiglas ay hindi pa rin ako makawala dahil tila bakal ang braso niyang nakapulupot sa beywang ko. Nang matapat kami sa swimming pool ay walang kung ano-ano ay inihagis niya ako sa tubig. Expert ako sa paglangot dahil nakagisnan ko ng maligo sa ilog sa lugar namin na ngayon ay tapunan na ng basura. Kung kaya't mabilis akong nakaahon. Napaubo ako at bahagyang sinuntok ang dibdib sapagkkat nakainom ako ng tubig. Nang ganap na akong mahimasmasan ay naniningkit ang mata kong lumapit kay Lucas. Ang hudyo nakangisi pa sa ginawa. Ito ba ang Dream man ko? Narcistic, daig pa may saltik. Nakaka disappoint! Erase! Erase! Hindi na siya ang Dream man ko. Pero ang sutil kong puso hayun at gusto na naman bumigay nang tila nag slow motion ang lahat nang ang ngisi niya ay napalitan ng mapang-akit na ngiti. Muli na naman nawala sa lugar ang puso ko. Nang tuluyan na akong sa harap niya ay naibuka ko ang bibig ko ngunit wala naman nasabi sapakat na tulala na ako nang makita ang mga butil ng tubig na tumulo mula sa leeg ni Lucas, pababa sa leeg, umabot sa matitipuno niyang dibdib. Hanggang sa tuluyan ng dumalasdas ang tubig patungo sa abs niya. Ayaw ko sanang magpahalata pero gosh! Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matuptop ang bibig ko. Baka sumambulat pa kasi ang pigil na kilig ko. "Idiot." gagad niya. "Ano'ng sabi mo?" "You heard me right?" Napabuntong-hininga ako ng malalim. Mukhang sa mansyon na ito masusubok ang pasensya ko. "Alam mo gwapo ka lang pero utak mo pang special child." "Ano'ng sabi mo?" Si Lucas na naman ngayon ang naningkit ang mata. "You heard me right?" Panggaya ko sa sinabi niya na may nakakalokang ngiti. "Ah ganoon?" tanong niya na lumapit sa'kin. "Itutulak mo na naman ako?" tanong ko na nanlalaki ang mata. Napaatras. Pero humahakbang naman siya papalapit sa'kin. Hanggang sa tuluyan ko na siyang tinalikuran upang tumakbo sana ngunit mabilis ang mga kamay niyang agad na pumulupot sa beywang ko para hindi ako makalayo. Itatapon na naman sana niya ako sa swimming pool nang pikit-matang yumakap ako sa kanya kaya pati siya ay kasama kong na hulog. Sa ilalim ng tubig ay hinawakan ako sa paa ni Lucas upang hindi ako makaahon. Ganoon na lang ang takot ko sapagkat anumang oras ay mawawalan na ako ng hangin sa baga. Kaya ang nasipa ko siya ng wala sa oras sa mukha gamit ang isa pang paa. Binitawan niya ako. Sapo niya ang kanyang nasaktang mukha. Nang ganap ng nakaahon ang ulo namin ay mabilis pa sa alas kuwatrong lumangoy ako papunta sa hagdan ng swimming pool. Dinig kong nagmura pa siya. "Bumalik ka dito!" sigaw niya sa galit na boses. Sa halip na matakot ay nilingon ko pa siya na may nakakalokang ngiti bago naglakad ala Catrionay Gray palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD