Anya's pov Pagkasabi ko kay jhena na sa kanya ako intersado ay pumasok na ako ng opisina ko kahit pa nga parang may gusto pang sabihin saken si jhena. Natakot kasi ako dahil baka i-reject nya agad ako eh wala pa nga along nagagawa para mahulog sya sakin. Naupo na ko sa table ko para mag umpisang magtrabaho. Tambak na naman ang mga dapat kong basahin at pirmahan. Tiningnan ko palang lahat napapagod na agad ako. Hayst sana lang makapag focus ako nito kahit madami akong iniisip. Iniisip ko kung paano ko ba liligawan si jhena ay may boy friend naman ito. Ang hirap kayang pumorma kapag may sabit ang gusto mong ligawan. Ayaw ko naman maging pangalawa kay jhena, gusto ko akin lang sya ayaw ko ng may kahati. Hay makapag simula na nga lang ng trabaho dahil wala along matatapos kapag puro