Kimberly Marquez KASALUKUYAN akong nasa loob ng aking kwarto. Nakatulala sa computer ngunit hindi alam kung ano ang gagawin. Walang pumapasok sa isip ko ngayon kung hindi ang nangyari kagabi. Marahan kong hinawakan ang aking dibdib, saka pinakiramdaman ang aking puso. Pinikit ko ang mata at inisip ang maamong mukha ni Seven habang siya ay natutulog. Mabilis kong naimulat ang mata nang magsimulang bumilis muli ang t***k ng aking puso. Heto na naman, nagwawala na naman itong bagay na nasa loob ng dibdib ko. Nilapat ko ang aking kamay sa keyboard, saka nagsimulang tumipa ng letra at hinanap ang sanhi ng nagwawala kong puso. May ibang symptoms ng heart attack o pagpupuyat ngunit hindi naman pareho ng nararamdaman ko. Hanggang sa maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang tumama ang