Kabanata 7

1534 Words
Kabanata 7 Day 4 na. Tahimik pa rin naman. Sa awa ng Diyos wala pa namang gulo ngayon. Tahimik ang paligid. At sana manatili na lang na ganito. Kagabi ay sunod sunod kaming nakarinig ng mga putukan. walang katapusang ingay. Grabe talaga yung takot ko kagabi. Hindi mawala sa isip ko na baka ako na yung sunod na tatamaan ng bala. Nakakapang nginig yung mga tunog kagabi. Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog. Kahit pa naiinis ako dahil may chismoso kaming kasama sa kubo, ay ayos na rin, siya rin ang magdamag na nag bantay sa amin, kaya titiisin ko na lang na makita siya basta huwag lang kaming matagpuan dito. Kahit papaano ay nasasanay na rin ako dito. Yun nga lang ay hindi mawaglit sa isipan ko sina Lolo. Panigurado ay nag aalala na iyon sa akin dahil Ilang araw na ba akong nandito? Namimis ko na sila.. sobra.. Ni hindi man lang ako nakapag paalam sa kanila.. Iniisip ko nga kung ano kaya yung kinakain nila ngayon? Sino kaya yung nagtitimpla ng kape ni Lolo, yung gatas ni Mamita bago matulog.. O kung umiinom pa ba sila non.. hindi ko alam.. Namimiss ko na din yung yakap ni Mamita, yung halik sa ulo ko ni Lolo.. di ko alam buong buhay ko sila ang kasama ko, sila ang ang alaga sa akin..tapos ngayon, bigla na lang ako mahihiwalay sa kanila at mapupunta dito sa kung saan man. hindi ko mapigilan ang mag alala, Pinigilan kong lumabas ang mga hikbi ko. Baka kasi marinig nila. "Ate, pinapatawag ka ni Inay.. tulungan mo daw po siya sa pagluto ng kamote.." si Gallardo. Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. Pinilit kong ngumiti. Kamote nanaman pala yung almusal namin. Hindi naman ako nagrereklamo.. Pero kasi.. Simula kasi nung napunta ako dito.. Puro kamote na lang yung laman ng tiyan ko. Namimiss ko na rin yung kanin.. at karne. Namimiss ko na yung mga kinakain ko dati. Hindi na rin kasi nakakatuwa ang amoy na lumalabas sa akin.. Pero sino ba ako para mag inarte? Nakikikain na nga lang ako diba? "Sige.. pupunta na ako. Liligpitin ko lang yung hinigaan ko." sabi ko. Ngumiti naman siya at lumabas na. Nalukot naman ang mukha ko. Bigla kasing tumunog yung mga buto ko. Ang sakit kasi ng likod ko. Sa sahig lang kasi kami nakahiga. Isa pa.. Hindi pa sumisikat ang araw ay ginigising na nila ako, kulang talaga ako sa tulog. Tapos wala naman akong nakakain na carbs dito! Hindi talaga ako nag rereklamo. Pagpunta ko sa lutuan ay umikot na naman ang mata ko. Una ko kasing nakita yung Chismoso. Kay aga aga tuloy nasira na yung umaga ko. "Ate Chippy!" hiyaw agad ni Gema pagkakita sa akin. Kaya tumuloy na ako. Aalis na sana ako e. Lumingon din si Aling Nora sa akin habang hawak niya yung kahoy na inilalagay sa siga. "Chippy..magandang umaga." bati nila. Ngumiti ako. "Magandang umaga rin po! Ano pong matutulong ko?" tanong ko. "Ah..wala na iha.. Natapos na ni Artemio ang bagay na sana ay ipapagawa ko sayo." Tumingin ako kay Chismoso. Ngumiti ito sa akin. Bakit kaya soya nakangiti? Inirapan ko nga. "Ganon po ba?" nakangiti kong sabi. Pero sa loob loob ko naaasar talaga ako. Napaka bida bida talaga. "Oo. Maupo ka na lang muna rito at magkwentuhan tayo." "Sige po." sabi ko at naupo sa tabi ni Gema. Malapit sa lutuan. "Magandang umaga ate!" bati nito sa akin. Ngumiti ako at pinisil ang maliit niyang ilong. "Ilang taon ka nga ulit, Chippy?" tanong ni aling nora pagkatapos niyang takpan yung malaking kaserola. Umupo siya sa tabi ni chismoso. "21 po.." sagot ko. "May edad ka na.. Wala ka pa bang balak na mg asawa?" Nanlaki ang mata ko. "Po?! Asawa agad?" tanong ko. "Wala pa po 'yan sa isip ko. Bata pa po ako.." Nagtawanan naman sila. "Anong bata ang sinasabi mo? Alam mo bang 14 anyos lang ako ng mag asawa ako? Hindi na bata ang Bente uno.." Nahagip ng mata ko si Artemio. Nakatingin ito sa akin. "Ayoko pa po.." "Ito oh, si Artemio..wala itong nobya! Pwedeng pwede kayo.." "Bagay kayo ate!" hagikhik naman ni Gema. Pinalakihan ko siya ng mata. "Oo nga bagay kayong dalawa!" gatong ni aling nora tsaka sila nagtawanan. "Ayoko p--" "Tama sila. Bagay tayo.." si Artemio na nakangiti pa ng nakakaloko. "Halika na at asawahin na kita.." "Ang kapal mo! Hindi kita gusto no!" di mapigilan na hiyaw ko. At mas nakakainit ng ulo ay pinagtatawanan pa nila ako. Ano bang nakakatawa?! "Gusto kita, Chippy!" balik na hiyaw nito at natatawa pa. Napatayo ako sa inis. "Kapal mo! Hindi ako magkakagusto sa yo no!" Ang bilis bilis na ng paghinga ko. Nakaka inis siya! "Ang daming sinasabi nito.. Halika na at asawahin ako.. Papaligayahin kita.." "Bwiset!" hiyaw ko ulit sa kanya at nagmartsa paalis doon. Narinig ko pa ang malakas na tawa nila Aling nora. Kainis! Kakatapos lang namin mag ayos ulit ng gamit. Lumipat kasi kami ulit ng lugar dahil may mga dayuhan na naman daw na nakita sila aling Nora, kaya lumipat kami rito sa taas ng bundok. Tapos na akong tumulong kaya nandito ako ngayon nakaupo sa lilim ng puno. Makaiwas lang sa kanila kahit sandali. Kahit papaano ay gusto ko rin mapag isa. Buti nga at kahit papaano ay may mga halaman dito. Pampakalma ko kasi ang mga halaman. Kaya pag sa school, pag kakatapos ko lang makipag away, pupunta agad ako sa garden ng school para lang magpakalma at alisin ang stress. Mabuti nga dito ay may mga puno... may kakampi ako. Tinanaw ko ang mababang siyudad ng Albay.. napakaliit lang ng siyudad na ito, habang tinatanaw ko ngayon dito sa taas ng bundok. Napapikit ako ng biglang humangin. Haay...ang sarap ng hangin dito.. Fresh.. At hindi ka uubuhin dahil walang halo na alikabok ang hangin. Napangiti ako. Kung sana lang ay ganito rin kayaman ang ang mga puno sa taon na pinanggalingan ko.. Mayaman ang mga kabundukan at sabay sabay na sumasayaw ang mga sanga nito, kasabay ng hangin. Hanggang sana na lang.. Dahil kahit saan ka tumingin doon ay puro na lang building ang makikita mo. Building na akala mo makakahigop ng tubig kapag bumaha. Kung papapiliin ako ngayon kung saan ko gustong manatili, dito ba sa nakaraan o sa kasalukuyan, pipiliin ko dito, sa nakaraan. Tapos isasama ko ang pamilya ko. "Mukhang malalim ng iyong iniisip." Napalingon ako doon sa nag salita. Napairap ako. Si Artemio. Umupo pa ito malapit sa tabi ko. "Nakalukot agad ang iyong mukha, samantalang wala pa naman akong ginagawa." natatawang sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Yun na nga, wala ka pang ginagawa naaasar na ako. Wala ka bang pakiramdam? Layuan mo na nga ako!" Natawa siya at tinanaw din ang kagandahan ng lugar. "Ramdam ko naman iyon, na ayaw mo sa akin.. Ngunit kung lalayo ako, paano ko mababago ang nararamdaman mo? Ayoko na habang magkasama tayo ay namumuhi ka sa akin." "Gagawa at gagawa ako ng paraan para maalis ang muhi mo sa akin." Napanguso ako. Napaka feeling naman niya talaga! Pag ako kasi asar sa isang tao, asar na ako. Hindi na magbabago 'yon. Kaya asa siya. "Ano ba ang dahilan ng pagkamuhi mo sa akin? Sabihin mo ng maintindihan ko." "Simple lang. Ang pangit mo kasi." sabi ko at agad na tumayo. Maghanap siya ng kausap niya! Tingin niya makikipag usap ako sa kanya? Asa siya. "Oh, Chippy..ano at lukot iyang mukha mo?" tanong ni Aling Edna ng makasalubong ko siya. "Wala naman po. Nauuhaw po kasi ako.." sagot ko na lang. Alangan naman na sabihin kong nakusap ko si Artemio,kaya ganito ang mukha ko. Edi napalayas ako dito. Nalaman ko kasing kapatid pala niya si Artemio. Kaya naman pala ganon siya.. Mayabang at sumbungero..kapatid pala niya yung namumuno. Tumango naman ito. "Ganoon ba? Sige at pumasok ka na ng makainom." "Salamat po.." sabi ko at papasok na sana ng harangin niya ulita ako. "Matanong ko lang.. Nakita mo ba si Artemio? Kanina ko pa kasi hinahanap 'yon." Napairap ako ng palihim. "Hindi ko po siya nakita e." "Ganoon ba?" Tumango ako. "Sige salamat. Hahanapin ko na lamang siya." Dumiretso na ako sa loob pagkatapos. "Ate, ate!" nakangiti salubong ni Gema. "Hello.." wala sa sariling sabi ko. "Ate, sabi ni Inay, magpasama daw kami sa iyo ni Gallardo mag hanap ng mga sanga para sa pagsisiga!" "Talaga? Pero hindi ko alam ang pasikot sikot dito e.. Hindi ko rin kabisado yung gubat dito-" "Huwag ka pong mag alala, Ate.. Sasamahan din po tayo ni Kuya Artemio.." Mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi. Galing.. Iniiwasan ko nga diba? Isasama pa? "Gema..pwedeng kayo na lang?" "Pero bakit po?" nanlalaking matang tanong niya. "Masakit kasi ang ulo ko ngayon.. Nahihilo rin ako..hindi ko yatang sumuong sa init ng panahon ngayon.." sabi ko. Pero syempre nag sinungaling ako. Hindi naman talaga masakit ang ulo. Ayaw ko lang talagang makasama yung lalaki na yun. Naiirita ako makita ko lang ang mukha niya, paano pa kaya pag nakasama ko ulit siya? Baka ultimong maliit na bagay na mapag kwentuhan namin ni Gema ay makarating pa kay Aling Edna. Kaya, it's a big no for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD