Kabanata 3

1234 Words
Kabanta 3 Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ngunit naramdamam ko na lang na parang ang init ng paligid. Para akong nasa nakasalang na kawaling pinapinit, Shit. Parang ang bigat ng katawan ko. At ang init pa..ang sakit sa balat! Unti unti kong idinilat ang aking mga mata. Ngunit agad din na ipinikit 'yon ng masilaw ako sa tindi ng sikat ng araw. Pakiramdam ko masisira ang mata ko. Ilang saglit akong nag hintay.. Nang makapag adjust na yung mga mata ko ay tumambad sa akin ang mga bata na naghahagikhikan habang nakatunghay sa akin. Mabilis akong napabangon. Napaalis naman ang mga bata, ngunit kumirot naman ang ulo ko dahil sa biglaang pagtayo. Tinignan ko yung mga batang nakatunghay pa rin sa akin. Paano nagkaroon ng bata dito sa school namin? Pinagpagan ko yung itim na dress ko pagakatayo ko. Isinabit ko pa ang denim jacket ko sa balikat ng bahgya itong nakalaglag mula kanina. May mga d**o kasi ito. Maging ang rubbershoes ko na maroon ay bahagya kong pinagpagan para mawala yung dumi. "Paano kayo nakapasok sa school? Bawal ang bata dito." sabi ko ng maayos ko na ang sarili. Pero sa hitsura nila parang nagtataka at hindi nila maintindihan ang sinasabi ko. "Ano po'ng school ang iyong sinasabi niyo?" tanong nung bata na medyo moreno ang kulay. Medyo madungis din ito at may kalakihan ang mata. "Ang ganda ng kanyang suot." bulong nung bata na kulot ng buhok. Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Wait.. palagay ko wala ako sa school. Malinis ang paligid. Hindi mabaho. At higit sa lahat napakaraming puno. Wala akong nakikitang matataas na gusali. Puro puno at mukhang luma ang mga bahay dito. Yun nga lang.. Bumabakas sa mga ito ang sunog. Mga tama ng baril kung hindi ako nag kakamali, mga butas ang dingding e, Napatakip ako ng bibig, Puta, nasaan ba ako? Napalingon ulit ako sa mga bata ng mag salita ito. "Tama ka. Kakaiba. Hindi tulad ng ating kasuotan." Nanliit naman ang mata ko. Ano bang sinasabi nila? Halos mapamura ako sa gulat ng may marinig akong malakas na pagsabog. Maging ang mga bata ay nagsiaalisan sa harap ko. Ako naman ay kinabahan.. Saan galing yun? Nang may sumabog ulit ay napaupo na ako at agad na tinakpan ang aking mga tenga. Nakakabingi ang lakas nun. Parang bomba. Sunundan pa iyon ng sunod sunod na pagpautok. Napapikit na talaga ako. "Nasaan ba ako?!" hiyaw ko kasabay ng mga putok. Napahiyaw pa ako lalo ng may biglang humawak sa akin na maliit na kamay. Yung batang babae na kulot kanina. "Ate, sumama ka po sa akin!" aniya at hinila ako. Sumama naman ako sa kanya sa pagtakbo. Hawak pa rin nung bata yung kamay ko. Nakita kong patungo kami sa ilalim ng lupa. Nanlaki ang mata ko, san 'yan? Ililibing na ba ako?! Nang makarating kami doon ay inangat ng bata ang takip nitong bilog na bakal. Tinulungan ko pa nga siya ng makitang nahihirapan siya. Sobrang lakas na ng mga putukan. Sabay sabay na.. Nakakabingi! Nang makapasok kami sa loob ay biglang tumahimik ang paligid. Nawala ang ingay. Bumungad sa akin doon ang iilang pamilya na may yakap yakap na mga anak. Nakakalat din ang kanilang mga gamit. Nasaan.... "Sino siya Gema?" tanong nung aling nilapitan nung bata. "Hindi po namin siya kakilala, Inay. Natagpuan lamang po siya ni Gallardo sa labas." sagot naman ng bata. Inikot ko ang paningin ko. Nasa isang kuweba kami sa ilalim ng lupa? "Baka isa siyang Americano! Bakit mo siya dinala rito?!" Narinig kong pagalit na sabi nung nanay niya. Kano? Lumapit ako sa kanila ngunit hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay inilabas niya ang tinatago niyang bolo sa likod. Nanlaki ang mata ko. Gish... Ang tulis non.. At mas lalong kumalabog ang puso ko ng makitang itinutok niya iyon sa akin. Malapit sa mata ko. "Huwag mo'ng tangkain na lumapit!" hiyaw niya habang tinututok sa akin yung hawak niya. "Sorry po.. pero hindi po-" "Nagsalita ka ng salita nila!" hiyaw niya lalo at tinabi pa niya yung hawak niyang bata kanina bago tumayo. Napalunok ako. Sa sa sigaw niya ay nagising ang iba pang naroon at agad din silang humugot ng patalim. "Ano, hindi po ako amerikano! Isa po akong Pilipino!" "Paano kami makakasigurado?" tanong nung babae na nkakagising lang. "Wala po akong kutsilyo o kung ano man, hindi ko pa kayo kayang saktan. Sa totoo nga ho, niligtas ako ni.." napatingin ako sa batang nag hila sa akin kanina. "..ni Gema." ngumiti pa ang bata sa akin Ilang saglit silang natigilan pero hindi pa rin nila binababa ang mga hawak nila. Napalunok ako. Mukha ba akong amerikano? Well.. tingin ko hindi. Maganda ako pero purong pilipino ang dugo ko. Hindi naman ako ganon kaputi, mga pinaghalong milk at tsokolate ang kulay ko, "Ibaba ninyo ang mga hawak ninyo.." ani nung babae na nagbaba sa mga kamay nung mga babae na may hawak na mga patalim. "Nakakatiyak akong kilala ni Gema ang mga Kano. At nakakasigurado din akong hindi siya papahintulutan ni Gema dito, kung talagang kaaway siya. Tama ba ako, Gema?" baling nito sa bata. Tumayo naman ang bata at lumapit sa akin. "Tama po kayo, Lola. Nakita lang po namin siya nila Gallardo na walang malay sa tabi ng balon. Marahil ay nabiktima lamang din siya ng mga amerikano." "Wait lang po ah?" sabi ko at lumapit pa sa kanila. Nilakasan ko na ang loob kong sumingit para mawala na ang kuryosidad ko. "Hindi ko po kasi maintindihan ang nangyayari, ano pong meron sa mga amerikano? Sa pagkakaalam ko po, kaibigan na ng Pilipinas ang amerika bakit parang takot po kayo.." Hindi ko kasi talaga ma-gets. Sa pagkakaalam ko, okay naman na ang relasyon natin sa mga amerikano, matagal na. Pero bakit ganito yung inaasta nila? Wait, gaano ba ako katagal nawalan ng malay? Nakatingin lang sila sa akin na para bang wala akong sinabi. Para bang wala silang maintindihan. Parang alien ako. Napababa ang tingin ko ng hinatak ni Gema ang laylayan ng dress ko. "Ate, sinakip po tayo ng mga amerikano." Nanlaki ang mata ko. Ano? "Ha? Anong sinakop? E, matagal na yun ah? At isa pa mababait ang mga Kano-" "Paano mo nasasabi 'yan, gayong may namamatay na kababayan natin, dahil sa kanila?" galit na sabi nung isang babae. "Pero.. a..lam ko po.. m-atagal na yun.. late 1890's pa po tayo sinakop ng mga Ka-no." kinakabahan na sagot ko. Feeling ko kasi.. anytime pwede nila kong saksakin dito. Nakakatakot. "Ano ang pinagsasasabi mo diyan?" kunot noong tanong ng mama ni Gema. "Marso, 3, 1903 ang petsa ngayon." Kumunot ang noo ko. Paano.. "Po?! Nag jojoke po ba kayo?!" "Huwag kang makipag sabayan sa ingay ng mga bomba at baril, iha." ani nung pinakamatanda sa kanila. "Hindi mo ba alam ang nangyayari ngayon?" Nanlalaki ang mata na napailing ako. "Marahil po ay nawalan siya ng alaala, Ina." si Gema ang nag salita. "Wala po siyang malay ng matagpuan namin." "Siguro nga.. Naapektuhan siguro ang kanyang pag iisip at nawala ang alaala dahil sa mga kaganapan ngayon." gatong naman ng mama ni Gema. "Mabuti na lang Gema at dinala mo siya dito, para maalagaan at magamot." Hindi ko na alam kung anong hitsura ko ngayon, pero sigurado akong litong lito na ako. Kanina lang ay nasa school ako naglilinis.. Tapos ngayon.. nasa giyera na ako? Totoo ba 'to? Napaupo ako... Nasaan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD