At around 10 to 11 am, nagising si Daryl. Napatingin siya sa katabing mahimbing ang natutulog. Napangiti siya. Maya-maya ay itinaas niya ang isang kamay saka hinaplos niya ang buhok nito at saka masuyong hinalikan sa noo. Simula sa araw na ito ay hinding-hindi na ako papayag na malayo ka pa sa akin. Pakakasalan kita, mamahalin pakaingatan at aalagaan hanggang sa aking huling hininga. Pangako ko iyan. Pagkatapos niyon ay bumangon na siya at pumasok sa banyo upang maghilamos. At dahil tulog pa si Lhianne, bumaba na siya saka tinungo ang kusina. Ipagluluto niya ito para makakain pagkagising. Kahit naman kasi laki sila sa mayamang pamilya, kahit papaano ay marunong siyang magluto dahil iyon din ang nakahiligan niya. Binuksan niya ang ref at tiningnan kung ano ang puwede niyang lutuin. Sakto