Friday at seven in the morning, nasa Manila airport na sina Daryl at Lhianne. Naroon na rin ang driver ni Daryl ni si Ryan upang sunduin sila. Pagkagaling sa airport ay sa condo unit ni Daryl na sila tumuloy dahil mas malapit iyon sa Makati Medical Center kung saan naka-admit ang daddy ni Daryl. Hinatid lang nila ang gamit sa condo saka dumiretso na sa hospital. Pagkarating sa hospital ay nagtaka si Daryl dahil sa nadatnan. Nasa labas ng ICU ang mommy niya kasama ang dalawa niyang kapatid at may kasama pa itong isang ginang na ngayon lang niya nakita. Kahit si Lhianne ay nagtataka rin bakit naroon ang ina ng best friend niyang si Andrea. “Mom, how’s dad?” agad na tanong ni Daryl sa ina. “H-Hindi maganda ang lagay niya, anak. Kanina lang ay nagising siya at may sinabi pagkatapos niyon ay