Chapter 6

1120 Words
Eksaktong alas otso ng umaga, tinawagan si Daryl ni Claire. "Yes, hello?" "12-noon ang lunch meeting mo with Attorney Delgado, Daryl. Be there at exactly twelve," bilin ni Claire sa asawa. "Don't worry, darating ako," tugon ni Daryl "Ipinaalala ko lang. Sige, bye." Pagkatapos niyon ay agad ng nawala sa kabilang linya si Claire. Napabuntong-hininga na lang si Daryl, pagkuwa'y tumayo na at dinampot ang kanyang attaché case at pumunta na sa parking lot para kunin ang sasakyan niya. Eleven thirty pa lang, pero gusto na niyang magpunta sa restaurant kung saan magkikita sila ng abogado ni Claire. Gusto na niyang matapos agad ang lahat ng iyon, gusto na niyang makalaya sa dalawalang taon na pagtitiis kasama ang babaeng hindi niya natutunang mahalin kahit kailan. Ginawa naman kasi niya lahat pero kahit anong gawin niyang pagsisikap na matutunang mahalin ang asawa ay hindi talaga nangyari. At exactly twelve o’clock ay nakaupo na si Daryl sa pandalawahang table sa dulong bahagi ng restaurant na iyon at hinintay ang abogado ni Claire. Habang umiinom ng tubig mula sa baso ay panay ang sulyap niya sa kanyang relo, saka susulyap sa pinto kung saan papasok ang abogadong hinihintay. Maya-maya pa ay bumukas na iyon, isang pamilyar na mukha ang kanyang natanaw na papasok. L-Lhianne. . . Lhi! Hindi makapaniwalang nanatili siyang nakatitig sa magandang mukha na iyon. Ang mukhang iyon na kahit ilang taon na niyang hindi nakikita ay kilalang-kilala pa rin niya. Dahil kung may pagbabago man sa anyo ni Lhianne ay lalo itong gumanda at ang hubog ng katawan nito ay lalong naging sexy. Napatingin sa gawi niya ang dalaga nang ituro siya ng waiter dito, naglapat ang kanilang paningin, pagkuwa'y nagsimula na itong humakbang palapit sa gawi niya. Taas-noo, tiyak ang matatag na hakbang na ginawa nito. Kagaya pa rin ng dati, hindi nasisilong sa mga titig niya ang kababata. She has an aura of an authoritative person. Lhianne. . . Oh God! Attorney Delgado. . . Oo nga pala, Delgado ang kanyang surname. But I didn't expect na siya ang abogado ni Claire. Hindi ko naman kasi pinagkaabalahang basahin ang pangalan ng kanyang abogado. Ang tanga ko talaga. Hindi na mapakali sa pagkakaupo si Daryl, dahil nagsimula na ring kumabog ang kanyang dibdib dahil sa hindi inaasahang pagkikita nila ni Lhianne. Lhianne. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa mukhang iyon. And again, he was mesmerized by her beauty. Kagaya noon… Wow! ang ganda nga pala talaga nitong matabang ito! lihim na bulong sa sarili ni Daryl. At nang maupo na ito na silyang laan para sa Miss Sweetheart, nanatili lang siyang nakatitig dito. Ang ganda niya, lalo na ngayong nabihisan at naayusan siya. Tama ang sabi nina Carl, maganda si Lhianne. Ang tangos ng kanyang ilong, ang ganda ng hugis ng mga labi na parang ang sarap halik halikan. At ang mga mata niya, para nga palang mata ng mga santa sa simbahan, lalong gumanda dahil sa mahahabang pilik mata nito. Saka... hindi naman talaga siya mataba, bagay na bagay lang sa kanya ang mahabang buhok. Ang sexy ng kanyang dating. At sa ilang sandali ay parang ayaw nang alisin ni Daryl ang tingin sa dalagita habang hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang kabilis ang t***k ng kanyang puso. "Hoy, kumurap ka naman!" untag ni Carl sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat. Nakita niya kasing parang nakatulala ang kaibigan. Nang sundan niya ang tingin nito ay nalaman niyang kay Lhianne pala ito nakatitig. "Oo nga, Daryl! Para ka namang namatanda sa pagtitig kay Lhianne, ah! Ano? Natulala ka ba dahil nakita mo kung gaano talaga siya kaganda?" kantiyaw ng kaibigang si Niko. "Gusto mo ba siyang makasayaw mamaya, ha?" tanong naman ni Carl. "Ah. . ." bahagyang umawang ang kanyang bibig, kagaya ng dati ay gusto sana niyang magsalita ng mga pangit na salita patungkol kay Lhianne, mga panlalait na salita, mga kantiyaw at tukso. Pero nang muli siyang sumulyap sa gawi ng kababata, parang hindi na niya mahagilap sa utak kung ano ang mga tawag at tukso niya rito. Pangit? Hindi naman ito pangit, ang ganda-ganda nga nito. Mataba? Hindi, ah! bagay lang sa height nito ang kanyang katawan, napakaganda ni Lhianne ngayon… "MR. DARYL FERNANDEZ. . . are you okay?" Naulinigan ni Daryl ang tinig na iyon, nanuot sa kanyang pandinig, kaya bahagya siyang napakurap. At bigla, narito na pala sa harap niya si Lhianne… in flesh and in blood. . . hindi na ito bahagi ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. "Ah, Lhi. . . k-kumusta ka na?" kaagad na tanong niya ngunit tila wala pa rin sa sariling napatayo at sumungaw ang simpatikong ngiti sa mga labi. "Attorney Lhianne Delgado, Mr. Fernandez." "Ha? Ah-“ "Anyway, let's have a seat para mapag-usapan na ang annulment ninyo ni Mrs. Fernandez." "Ha? Ah, yes, have a seat!" nataranta pa si Daryl sa paghila ng upuan para rito. "Thanks." Agad naman itong naupo, bagama't pormal na pormal pa rin ang bukas ng mukha at bahagyang liyad ang dibdib at nakataas ang mukha. Dahan-dahang napaupo si Daryl, habang hindi parin maialis ang tingin sa mukha ng kaharap. Mataray ang dating at ekspresyon ng mukha ni Lhianne dahil sa kapormalan, pero sa paningin ni Daryl, napakaganda pa rin nito at napakaamo, ito pa rin ang babaeng laman ng kanyang puso noon pa man. Siya parin si Lhianne na minahal niya 13 years ago. "Ah, kumusta ka na? Well, it's been thirteen years since-“ "I'm not here para makipagkamustahan sa iyo, Mr. Fernandez. I'm here because of my client which happens to be your wife," kaswal na wika ni Lhianne. Habang nakataas pa rin ang noo na nakatingin kay Daryl. "Ah, yeah, I know. Pero hindi ko kasi inasahan na ikaw pala ang abogado ni Claire. I mean, of all people, hindi ko inaasahan na ikaw ang makakaharap ko ngayon. I mean... well, hindi naman siguro masamang kumustahin ko ang kababata at ka-schoolmate ko at-“ muli na namang putol ni Lhianne sa iba pang sasabihin nito. "Jusy drop those bullshit, Mr. Fernandez. Mahalaga ang bawat oras ko and I have no time to hear those nonsense from yours," wika ni Lhianne na nagtitimpi lang sa galit. "Ah, okay," napapahiyang lihim na lang nakuyom ni Daryl ang kamao. "Sige, let's talk about the annulment." Saka pilit na hinamig ang sarili at ibinalik na rin ang kapormalan sa anyo at tinig. Sa palagay niya naroon pa rin ang galit nito sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi dahil kagagawan rin naman niya kung bakit ganito ang kababata at babaeng minahal niya sa loob ng maraming taon. Nobody can intimidate him. . . kahit pa ang babaeng ito na minahal niya at nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD