Nagising si Lhianne na kumakalam ang sikmura. Iminulat niya ang mga mata at tiningnan ang oras sa orasan na nakasabit sa wall ng kuwarto. Alas sais na pala, kaya pala nakaramdam na siya ng gutom. Kanina bago sila pumunta sa resort ay pasta lang ang kinain niya dahil wala siyang gana. Pinilit lang niya kumain para magkalaman ang tiyan dahil buntis siya. Wala na rin sa tabi niya ang asawa kaya bumangon na siya. Tinungo niya ang banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay nagbihis na agad siya. Nagsuot lang siya ng puting sundress para presko sa pakiramdam bago lumabas ng kuwarto. Paglabas niya ng kuwarto ay hindi mahagilap ng mga mata niya ang asawa. Nasaan kaya siya? Lumabas kaya siya? Tinungo niya ang mini living room pero hindi niya ito nakita roon. Dumiretso siya sa kitchen para i-check and