Chapter 4

1113 Words
"HAH!" Natigilan si Lhianne nang makitang pasalubong sa kaniya si Daryl. Napalingap siya sa paligid, walang katao-tao sa corridor, nasa loob ng classroom ang mga estudyante at guro. Papunta lang siya sa CR kaya siya nag-may I go out sa kanyang teacher. Pero gustuhin man niyang bumalik sa kanilang classroom ay huli na, heto na sa harapan niya si Daryl. "Hello, batang mataba?" nakangising wika nito nang humarang sa daraanan niya. "Hmph! Umalis ka nga dyan!" nagtaray na lang siya sa halip na magpakita ng takot dahil alam niyang may atraso pa siya rito, hindi ito nakaganti sa pagkakatadyak niya sa paa noong isang araw. "Bakit ba? Gusto pa kitang makausap, eh." Lalo itong napangisi. "Heh! Ayokong makipag-usap sa iyo!" "Ayoko! Gaganti pa ako dahil sa pagkakatadyak mo ng paa ko noong isang araw. Masakit pa ito hanggang ngayon!" asik nito na namaywang pa habang nakatunghay sa kanya. Lalo siyang kinabahan, kilala niya si Daryl, alam niya kung ano ang mga kaya nitong gawin. "Buti nga sa iyo!" pero muli ay hindi siya nagpakita ng takot. "Aba't-" "Ay, Ma'am Cora!" nakangiting tumingin siya sa bandang likuran nito. "Ha?" gulat na napalingon si Daryl sa pag-aakalang nasa likuran nito ang kanilang principal. "Uh!" sabay tulak niya rito at tumakbo na pabalik sa kanilang silid. "Hoy! Bumalik ka rito!" gigil nitong sigaw. "Beh!" lumingon at nambelat pa si Lhianne nang makarating na sa pinto ng classroom nila. "What is that, Daryl?" isang guro ang lumabas mula sa tapat ng kinaroroonan nito. "Ah, wala po, Ma'am!" napakamot na lang sa ulo ang pilyong bata, sabay talikod at humakbang palayo. Naisahan siya ni Lhianne ngayon pero makakabawi rin siya. Gaganti siya sa ginawa ng pangit na iyon. Tatawa-tawang nagbalik sa upuan niya si Lhianne, mamaya na lang siya magsi-CR kapag labasan na. Mahirap na, baka makasalubong na naman niya ang monster na kababata. ***** Kinabukasan, habang naglalakad si Lhianne papunta sa school ay may tumawag sa kanya. "Hi, Lhianne!" nakangiting bati ng binatilyong si Daryl nang isungaw ang ulo sa bumukas na bintana ng kotseng sinasakyan nito na mabagal na tumatakbo sa makitid na kalsadang palabas ng kanilang baryo. "Hmp!" inirapan ito ng dalagita na edad trese na at nagpatuloy sa paghakbang sa gilid ng kalsada. "Lhi, huwag ka nang magalit sa akin, o, bati na tayo!" "Tse! Wala akong panahon sa katulad mo!" lalo naman niya itong inirapan. Inis na inis talaga siya rito dahil sa pang-aasar nito sa kanya sa tuwing magkikita sila. "Lhi, huwag ka nang magalit, mabait na ako. Nakita mo hindi na kita tinutukso ng mataba, hindi ba?" patuloy naman sa pagsabay sa kanya ang magarang kotse na minamaneho ng may edad na driver. "Ang Monster, kahit kailan, hindi na babait! Kahit pa siguro buhusan ka pa ng holy water ay hindi na mawawala iyang sungay mo!” "Ito naman, ang sakit mo naman magsalita. Hindi na ako salbahe, ano? Hindi na ako pilyo. Bati na tayo! Halika na, sabay ka na. Tanghali na, o! Mahuhuli ka na sa klase kapag naglakad ka pa." "Paki mo!" "Lhi, halika na, mag-usap tayo please, ‘wag kana magalit sa akin, sige na." "Ewan ko sa iyo!" "Ito naman, ako na ang nagpapakumbaba. Sige na Lhi, magkalugar naman tayo, hindi ba?" Hindi siya kumibo, pero lihim siyang natutuwa at gusto ng pagbigyan ito, hindi lang dahil mahuhuli na siya sa klase, kun’di dahil ayaw naman talaga niyang may kagalit, lalo pa si Daryl iyon na kapag ganitong nakangiti at hindi nambu-bully ay ang guwapo pala lalo. "Lhi, halika na. Bati na tayo, sakay ka na." Tuluyang huminto ang kotse at bumukas ang pinto niyon. "Ano ba?" angil niya, pero deep inside kinikilig siya sa panunuyo nito. "Sakay ka na. Ang layo pa ng lalakarin mo, o! Bati na tayo." Pamimilit pa rin nito sa kanya. Napaisip lalo si Lhianne. Sa palagay niya sincere naman ito sa paghingi ng tawad. "Talaga? Kapag sumakay ako, bati na tayo? Hindi mo na ako aawayin, hindi mo na ako tatawaging mataba? Hindi mo na ako tatawaging pangit? Hindi mo na na ako aasarin kahit kailan?" "Oo nga!" napangiti lalo si Daryl. Alam niya na patatawarin na siya ni Lhianne. Hindi siya kumibo, alangan pa rin siyang makipagbati. Baka kasi mamaya ay nagpapanggap lang ito para makaganti sa kanya. "Ano? Halika na! Mahuhuli tayo pareho. Tanghali na baka hindi na tayo makaabot sa Flag ceremony at maparusahan tayo dahil sa late tayo dumating." "Sige na nga!" nakasimangot na akmang sasakay na si Lhianne. "Ops!" pero biglang humarang ang isang kamay ni Daryl. "A-anong-“ "Ang kapal ng mukha mo, ano? Ambisyosa ka rin," nakangising wika nito. "Akala mo ba ay gusto ko talagang makipagbati sa iyo? Hah! No way! Mataba! Baka kapag sumakay ka rito ay mag iwan ka pa ng germs, at baka ma-flat pa ang gulong ng sasakyan namin sa katabaan mo, pinapasakay lang kita akala mo naman totoong makipagbati ako sa iyo, ha?" "Sinungaling ka!" "Ikaw naman uto-uto kang mataba ka!" "Abat—“ "Tsupi!" sabay tulak nito sa kaniya at sarado ng pinto ng sasakyan at sa lakas nang pagkatulak sa kaniya dahilan para matumba siya. "S–salbahe ka talaga!" napaiyak na lang siya habang nakalupasay sa maalikabok na kalsada. Hindi niya akalain na hindi pala ito seryoso sa paghingi ng tawad sa kaniya. Tama nga ang naisip niya kanina. Nagpapanggap lang ito. "Tanga ka kasi, naniwala ka sa akin! Nakaganti na rin ako sa iyo! Halika na, Mang Raul, mahuhuli na ako. Ba-bye, mataba! Ihuli mo na lang ako nang palaka, ha?" Humarurot na palayo ang sasakyan. "Impakto, halimaw! Salbahe ka talaga!" Wala siyang nagawa kun’di magtakip ng ilong at bibig para hindi masinghot ang ang naiwang usok at alikabok ng kotse, habang patuloy siya sa pag-iyak at pagsumpa sa kababatang hindi niya alam kung bakit ganoon ang trato sa kaniya. At isinumpa ni Lhianne sa sarili, hinding-hindi na niya kakausapin si Daryl kahit na kailan, hindi na niya papansinin kahit na asarin siya nito. . . Pero bago niya gawin iyon, susundin muna niya ang sinabi nito, ihuhuli niya ng palaka ang salbaheng kababata. Ipaparamdam niya rito lahat ng kasamaan na ganiwa nito sa kaniya. Hinding-hindi niya hahayaang i-bully siya lagi ng kababata. Gusto niyang ipahiya rin ito at hinding-hindi nito makakalimutan ang gagawin niyang paghihigante. "Sumusobra na siya! Hindi na tama ang ginagawa niya sa akin! Dapat na hindi ko talaga siya patatawarin kahit kailan," bulong ni Lhianne habang nanghuhuli ng palaka. "Oh mga kokak, pasensya na kayo kung nadamay pa kayo sa galit ko sa demonyong iyon. Kailangan kong makaganti sa kanya kaya pagbigyan na muna ninyo ako," sabi ni Lhianne sa palaka na akala naman ay sasagot ang mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD