“Can we go now?” tanong ni Daryl sa asawa matapos nilang mabasa ang laman ng envelope. “Sige…” ani Lhianne. Pagkatapos niyon ay sabay at magkahawak-kamay na nilang tinungo ang elevator. At gaya ng napag-usapan, sa mall sila pumunta para bumili ng gusto ni Lhianne. Pagkatapos niyon ay sa ospital na sila dumiretso upang dalawin ang daddy ni Daryl. Kanina kasi habang nasa byahe sila papuntang mall, tumawag ang mommy niya at ibinalitang successful daw ang operasyon ng ama niya. “Mom, gising na ba si Dad?” agad na tanong ni Daryl sa ina pagkapasok sa kuwarto ng daddy niya. “Hindi pa. Pero ang sabi ng doctor, anytime ay magigising na siya. Bumuti na rin ang lagay niya.” “Sana tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kalagayan ni Dad. Anyway, mom, you need to rest also at baka ang katawan mo naman ang