Pasado alas kuwatro ng hapon ay nakatanggap ng magandang balita ang mag-ina. Nasa hospital room sila ng mga oras na iyon, nagpapahinga at nanonood ng sikat na programa sa televesion. Ang sabi sa kanila ng doctor ay puwede na raw ilipat sa kuwarto ang daddy ni Lhainne dahil okay at walang naging kumplikasyon sa operasyon ng ama niya. Abot langit naman ang pasasalamat nilang mag-ina dahil sa wakas ang pagpapagaling na lang nito ang kanilang hihintayin. Naisip niyang tawagan ang nobyo upang ibalita ang goodnews kaya kaagad na kinuha ang cell phone na nasa kanyang handbag, inilabas ang phone at nagdayal, ngunit hindi pa man niya napipindot ang call ay biglang nag-ring ang cell phone at si Daryl ang tumatawag. “Hello?” “How’s my sweetheart?” “I’m fine, but I have good news.” “Really? What i