“Ang dami naman nito?” anang Lhianne nang makita ang mga pinabili ni Daryl sa secretary nito. Bukod kasi sa pinabili niya ay may ibang pagkain at prutas pa pala itong pinabili. Nasa kuwarto na sila ng mga oras na iyon dahil hindi pa naman tapos ang operasyon ng daddy niya at saka para makakain na rin siya dahil kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya. Si Lhianne kasi iyong tipo na kapag kinakabahan ay para siyang laging gutom. Gano’n na siya noon pa man kahit noong mga panahon na nag-aaral pa lang siya, madalas may baon siyang pagkain lalo na kapag oras ng exam. “Syempre alangan naman na ikaw lang ang kakain dapat ako rin,” anito saka lumapit kay Lhianne at bumulong, “Buti sana kung puwede kitang kainin rito.” Biglang pinamulahan ang dalaga ng marinig iyon. Hindi lang