NAGSISIMULA nang dumilim ang paligid nang makarating kami sa Maldives. Matapos lampasan ng eroplano ang mga ulap ay dito namin natunghayan ang kabuuan ng isla. Isang kahanga-hangang tanawin ang bumungad sa amin—malinaw na asul na dagat, mga puting buhangin, at mga resorts na nakatayo sa mga isla. Napangiti ako ng husto dahil alam kong malapit na kami sa destinasyon namin. "We're here," ani Drake sa tabi ko habang sumisilip na rin sa bintana. Bakas na rin ang labis na tuwa sa anyo niya. Hindi naman na ako makapagsalita dahil sa labis na excitement din. Habang papalapit ang eroplano sa runway ay naramdaman ko ang bahagyang pag-ihip ng hangin. Ilang minuto nga lang ay naramdaman ko ang dahan-dahang pag-tigil ng eroplano. "Good afternoon, ladies and gentlemen. We have now arrived in t