ANG NAKARAAN "Kumain ka pa. Tikman mo 'tong dessert na 'to. Sobrang sarap," ani Lhevy sa akin habang ibinababa sa mesa ang dalawang platito ng dessert. "Sa 'yo 'tong isa. Ubusin mo 'yan, ha." "Nag-abala ka pa talaga. Thank you, ha. Uubusin ko muna 'to." Sunod-sunod ko namang isinubo sa bibig ko ang pagkain ko mula sa plato ko. Kasalukuyan kaming naririto sa hotel ng mga Delavega para mag-celebrate ng birthday ng isa sa mga pamangkin ni Sir Dave. Isinama niya ako dito, at siyempre, kumpleto ang lahat, kabilang na nga ang family ni Charlie. Halos mapuno na naman ng angkan nila ang buong hall na ito. Napakarami na ring mga bata, dahil bukod sa mga Delavega ay may mga bisita pa sila. Pero mukhang tapos na ang palaro nila, at nag-iinuman na nga ang mga matatanda. "Bakit kasi late kayong du