Dorothea DALAWANG BUWAN lang ang lumipas mula nang mahuli si Dr. Irene Lucido sa NAIA habang tinatangkang tumakas palabas ng bansa. Sa panahong 'yon ay ginamit ko ang lahat ng koneksyon at resources ko upang mapabilis ang kaso. Hawak na namin ang lahat ng matitibay na ebidensya—mga medical records, DNA tests, at testimonya ng mga taong may alam sa ilegal na IVF procedure. We were inside the courtroom, waiting for the verdict to bring justice finally. The entire room was silent. Sa witness stand ay nakaupo ang isang babae—si Raquel Norte, dating sekretarya ni Dr. Irene. Noong una ay takot na takot siyang lumabas at magsalita. She even sent me a message saying she couldn't be seen or talked to. But in the end, she changed her mind. In the end, her conscience prevailed. Her voice was soft