SA KITCHEN ISLAND na lamang kami kumain nang niluto niyang sopas. Hindi naman nasira ang mga upuan namin pero sa kandungan niya ako pinaupo habang yakap at sinusubuan. Ang cheesy tingnan pero nakikita ko ang kakaibang saya at kilig sa kanya. Kaya hinayaan ko na lamang siya. Ang nawasak na mesa, ngayon ay nasa basement na nga at ang mga tao niya ang inutusan niyang magdala doon. Nakapagbihis naman na kaming muli bago niya pinapasok ang mga ito dito sa loob ng bahay. "It's really tasty, right?" tanong niya sa akin matapos niya akong subuan muli ng sopas. Marami-rami na nga ang nakakain ko. "Hmm, perfect," kaagad ko namang sagot sa kanya dahil masarap naman talaga. Nakuha niya ang paraan nang pagluluto ko. Madalas din kasi akong magluto nito dahil paborito ko ang sopas, lalo na kapag maram