Darcy Delavega Nagsimula nang mag-panic ang mga estudyante sa buong paligid. May mga tumatakbo palayo habang nagsisigawan habang ang ilan ay napapahinto sa kaba at matinding gulat. Napakuyom ang mga kamao ko. "Kilala mo ang mga 'yan, 'di ba?!" kaagad kong tanong kay Zayden. Napalingon siyang muli sa akin kasabay nang pagtaas ng mga kilay niya. "Bakit ako na naman ang pinagbibintangan mo? I've been here in your office this whole time," agad niyang tanggi, pero nakikita ko naman sa mga mata niya ang pagsisinungaling. Hindi ko mapigilang manggigil sa matinding inis. Agad ko siyang tinalikuran at nagmadaling bumalik sa opisina ko. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa 'kin. "Ano'ng gagawin mo?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Mabilis kong dinampot ang handset ng telepono at tinawagan