THIRD PERSON POV HULI NA bago pa man makarating sa kalsada ang mga bantay ni Lea. Tuluyan nang natangay ng mga armadong kalalakihan ang dalaga. Hindi naman nagtagal ay dumating ang kotseng kinalululanan ni Professor Drake Delavega Jr. Kaagad itong hinarang ng mga tauhan niya at ipinaalam ang nangyari kay Lea. "What?!" sigaw ni Drake, na 'di makapaniwala sa narinig. Biglang bumigat ang dibdib niya, at sa isang iglap, matinding galit at pag-aalala ang bumalot sa kanya. "Damn it! How could you let this happen?! I gave you clear instructions to ensure Lea's safety!" Halos patayin niya ang mga tauhan niya sa bagsik ng tingin niya sa mga ito. Pinalilibutan na sila ng maraming estudyante. "Boss, mukhang sinadya niyang salisihan kami. Sa ibang exit door siya ng administration building dumaan