Lea Adino Kanina pa ako nakatunganga sa laptop at mga notebook ko, pero hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa utak ko tungkol sa mga aralin namin. Kahit anong pilit kong mag-focus, patuloy lang na bumabalik sa isip ko ang gwapo pero seryoso at misteryosong mukha ni Professor Drake Delavega Jr. Ang paraan ng kanyang pagtindig—laging tuwid, may awtoridad. Ang bawat kilos niya, na laging kontrolado at puno ng kumpiyansa. At ang boses niya, na malalim, malamig at matigas, na parang kahit anong sabihin niya ay dapat mong paniwalaan o sundin. Pero ang pinaka-hindi ko matanggal sa isipan ko ay ang kanyang mga mata. Ang titig niyang para bang hinahalukay ang buong pagkatao ko, na parang binabasa niya ang bawat sikreto ng buhay ko. Napailing ako at mariing ipinikit ang aking mga mata. Pil