Dorothea Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang iniangat, bago niya muling hinagkan ang mga labi ko. Ngayon ay puno na ito nang pagsuyo—malayo sa mariin at mapusok na halik kanina. Para bang gusto niyang iparamdam sa akin ang lahat ng hindi niya nasabi sa loob ng anim na taon. I closed my eyes, lost in my confusion. I knew I should push him away; I should resist. But why did it feel like I couldn’t? Why did it feel like a part of me wanted to stay in his arms? Naghuhuramentado ang puso ko sa mga sandaling ito, at parang hinihila ang aking lakas. Napakainit at lambot ng mga labi niya. Bakit pakiramdam ko ay mas masarap ito ngayon kaysa noong una. Puno ng pananabik. Hahayaan ko na naman ba ang sarili kong malunod sa kanya? Dahan-dahan siyang bumitaw, ngunit hindi lumayo. Nananatili pa