Ingrid "Kailangan mo ba ng tulong?" Napalingon ako kay Sir Kendrik na pumasok na rin dito sa loob. Ako naman ay isa-isang naglalagay ng mga gamit namin dito sa kusina sa mga box. "Ahm, kaunti lang naman po ito. Pero kulang po ako sa mga box." "Magpapabili ako ng mga box, ngayon din." "Ah, Sir," agad kong tawag nang tinangka na niyang tumalikod. Agad din naman siyang lumingon sa akin. "Do you need anything else?" "Ahm..." Nag-aalinlangan akong magtanong pero kailangan. "T-Tungkol po sa mga gamit namin ni Mama... W-Wala po akong pagdadalhan sa kanila." "Dadalhin nating lahat sa bahay." "Eh, s-saan naman po natin ilalagay doon?" "That's not a problem. There are plenty of rooms there. I know your mother’s belongings are important to you, and they are to me too. So we’ll bring everyt