Dorothea Hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mag-ama ko na masayang sumasayaw sa gitna ng engrandeng hall. Napapaligiran kami ng mga mahal namin sa buhay—pamilya, kaibigan, at mga taong saksi sa pagmamahalan namin ni Jaxx. Tuwang-tuwa ang anak ko habang nakatayo sa pinagpatong-patong na upuan, at mahigpit na nakakapit sa kanyang ama. Nakangiti siya habang umiindak sa saliw ng musika, at hindi alintana ang dami ng bisitang nanonood sa kanila. Para siyang isang napakagandang prinsesa sa gown niya. Kanina ay ako ang kasama ni Jaxx sa sayaw na 'yan, pero napagod na ako kaya ang anak naman namin ang pumalit. Masarap sa pakiramdam na makita silang dalawa—ang dalawang pinakamamahal ko—sa isang sandaling punong-puno ng saya. Until now, I still can't believe it. Jaxx an