Lea Adino Parang may malamig na hangin na dumaan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—kung dapat ba akong maawa kay Drake, matakot sa nalaman ko, o masaktan sa katotohanang may hinahanap pa rin siyang iba. Bigla akong natahimik, at pilit inunawa ang lahat ng sinabi ni Professor Darcy. "B-Bakit po siya nawala?" mahina kong tanong habang pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko. “No one knows.” Malungkot ang tingin niya sa akin. "Isang araw, bigla na lang siyang naglaho. Wala siyang iniwang kahit anong bakas, kahit isang paalam kay Drake... And from that moment on, my brother changed.” Napatingin ako sa malayo at hindi alam kung paano tatanggapin ang rebelasyong ito. May bahagi sa akin na nagsasabing hindi ko dapat ito alalahanin—na ako ang kasama ni