February Napakapit ako ng mahigpit kay Nixon nang maramdaman kong pumapasok na ang mga kamay niya sa loob ng damit ko. Nadadama ko na ang mainit niyang palad na humahaplos sa balat ko. Patuloy naman niyang hinahagkan ang mga labi ko. At dahil sa halo-halong emosyon at damdamin ay hindi ko na rin napigilang tugunin siya. Hindi ko ito nagagawa kay Renzo. Si Nixon lang ang may kakayahang buhayin ang kakaibang init sa loob ng katawan ko, ang panginigin ang mga ugat ko, at ang palipasin ang lahat ng inhibisyon sa isip ko. Parang may nag-aalab na apoy sa pagitan naming dalawa, isang apoy na hindi ko na kayang pigilan. Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga palad niya sa katawan ko hanggang sa tuluyan na niyang masakop ang magkabila kong dibdib. Napasinghap ako sa kakaibang init na bumalot sa