February "Baka naman mali ka lang nang nadinig—" "Malinaw ang pandinig ko!" agad kong sagot sa kanya. Nasabi ko na sa kanya kung ano ang mga narinig ko kanina sa pag-uusap ng mag-amang Castillon. "Dinig na dinig ko, Nix. Tumawa pa si Renzo. Ilang beses tinapik ni mayor ang balikat niya at binati siya sa galing niyang umarte. Sinabi ni Renso na kayang-kaya naman daw niya tayong paikutin." Mabilis pa rin ang aking paghinga at nangangatal pa rin ang mga kamay ko. Hindi naman siya sumagot pero patuloy ang pagmamaneho niya. Lumalim din ang paghinga niya at mukhang malalim din ang iniisip niya. "Ano'ng ibig sabihin ng lahat ng mga hinanaing niya sa 'kin?" Hindi ko mapigilang maluha. "Lahat ng mga ipinakita niya sa akin, mga bugbog at latay sa katawan na ayon sa kanya ay ama niya at lolo ni