"Okay ka na?" tanong sa akin ni Drake paghiga namin sa kama. Siya ang nag-blower ng buhok ko at ako naman sa kanya, kaya pareho na kami ngayong tuyo. "Hmm." Nakangiti akong tumango. Kaagad akong yumakap sa kanya at umunan sa braso niya. Binigyan naman niya ako ng masuyong halik sa noo at mga labi. Kanina ay napag-usapan namin na bukas na niya kakausapin si Vic tungkol sa bagong trabaho na iaalok niya. Gabi na at may kalayuan ang Manila. Nagdadalawang-isip pa rin ako. Inaalala ko kasi ang iisipin ni Vic sa akin. Baka isipin niyang ako ang may ayaw sa kanya. "Sir Drake?" Nabulabog kami sa mahihinang katok sa pinto at sa tinig ni Vic sa labas. "Gising ka pa ba?" Nangunot ang noo ko at napatingala kay Drake. "Titingnan ko lang," aniya sa akin bago bumangon. Nalipat ang ulo ko sa unan. I