"Nay wag na ho, magba-bus nalang po ako". hawak hawak niya ang aking kamay na tila ayaw pa akong paalisin. Nasa gate na kami at nasa likuran namin ang itim na sasakyan. Ito daw ang maghahatid sa akin sa campus. "Ewan ko ba sayong bata ka. May sasakyan naman pero mas gusto mo pang mag-commute" saka binitawan ang aking kamay senyales na sumuko na ito sa pamimilit. "Nay wag ka nang mag-abala. Alam mo naman na hindi ako sanay sa ganyan. Saka ayokong mag-isip yung mga kaklase ko na mayaman ako pag nakitang nakasakay ako sa kotseng yan" saka ngumuso sa kotseng malapit sa amin. "Hindi naman ganun hija, alam mo bang makakatipid ka sa pamasahe kung magpapahatid at magpapasundo ka araw araw." pilit pa nang matanda. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil iyon na para bang naglalambing. "Nay wag mo n