"Levi kamusta ang lolo mo?" iniabot sa akin nito ang isang basong juice na agad ko namang kinuha. Nasa da vinci mansion kame ng mga oras na iyon. Nakaupo sa sala at nakatanaw sa mga maid na naglilinis sa labas. "Ok na siya Mina. Medyo bumuti na rin ang lagay niya." "Anong sakit niya?" "Ang sabi ng doctor tuberculosis stage 4. Medyo mahirap na daw malunasan ang sakit niya lalo pat may edad na siya" "Ganun ba. Gusto mo bang dito na lang siya sa maynila I confined?" "Sinabi ko na yan. Kaso tinanggihan niya." "Kausapin mo ulit siya. Para din naman ito sa ikabubuti niya." "Hindi na magbabago ang isip niya Mina, pag napakapag desisyon na si lolo hindi na yun mababago." Bumuntong hinga siya at halatang nalulungkot din sa nabalitaan. "Salamat," ani ko at hinawakan ang kanyang kamay. "Lev