Pagkatapos ng usapan namin ni Manang ay napasandal na lang ako sa aking upuan. Natuon ang tingin ko sa aking Cellphone. "What the hell he's doing?! may sira na talaga ang ulo niya" ani ko. Sa pagkadismaya ay kinuha ko ang aking cellphone at di-nial ang kanyang number. Sinagot naman nito ang tawag at walang kagana-ganang boses ang aking narinig. "What?!" "Nasaan ka?" tanong kong pigil ng pigil siyang sigawan. "What do you need?" tanong nitong na binalewala ang aking tanong. "Umuwi kana!" napalakas na aking boses dahilan para siya naman ay humagikgik. Tila nagustuhan niya pa na sigawan ko siya. "Uuwi ako kung kelan ko gusto" "Vince sinasabi ko sayo, sa susunod na may ipabugbog ka. Hindi ako magdadalawang isip na drop out ka!" "Ipabugbog? what?! kanino mo nam