bc

The Flaming Blades (Achilles)

book_age16+
179
FOLLOW
1K
READ
billionaire
spy/agent
reincarnation/transmigration
powerful
twisted
bxg
deity
mythology
superpower
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Khale grew up in deprivation society and worked hard to raise her family to have the best future. When her friends offer to be part of their unknown organization, she didn't refuse. Bukod pa sa malaki ang kikitain niya, tinulungan din siya ng kompanyang may hawak sa kanila bilang maging isang sikat na International Model.

They are assigned to go to London to follow their comrade Mitch but, they were disgusted to see the outcome of their mission in the famous place called Green Valley. And the truth behind the prophecy of extraordinary society. Isang tadhanang buhay nila ang magiging kapalit. Gustuhin man niyang talikuran ang natuklasan nila ngunit hindi rin naman siya nakatanggi sa huli lalo na at isa sa mga pag-aalalayan niya ng mahiwagang tsuka ay ang binatang minsan na rin niyang nakasalamuha. Si Adrian Achilles Anderson. He's a successful and famous young man in the field of the fashion industry worldwide. He's also one of the Board of Directors in G&A Int'l Corporation in London. Hindi maitatago ang taglay nitong kagwapuhan na nangingibabaw sa lahat tulad ng mga kabaro nito. Nang magtagpo ang landas nila sa Green Valley Hotel sa London, muling nanariwa ang isang alaala nila noon partikular sa isang bungkos na bulaklak na rosas.

Paano niya tatanggapin at mahalin ang isang lalaking hindi niya kauri para sa propesiyang sinusunod nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nangangalay na ang panga niya sa kakangiti habang kaharap ang mga photographer at ibang mga taga-media. Halos masilaw na rin siya sa mga nagkikislapang kamera sa paligid nila. Kasama siya sa mga modelo ng isang sikat na leading brand apparel sa Pilipinas at ginanap ito sa Makati Shangrila Hotel. "Ladies and gentlemen! We are here to celebrate the biggest launching event of our top leading brand apparel! Before we go through to our main events, I would like to call our Fashion Industry Director in London for inspirational words. A warm of applause to our very handsome, Mr. Adrian Anderson!" wika ng MC. Masigabong palakpakan at tilian ang sumalubong sa isang gwapong lalaki nang naglakad ito patungo sa gitnang bahagi. He gives his sweetest smile to everyone. Isa ito sa mga may-ari ng kompanyang kaniyang pinapasukan. "Ang hot niya Khale!" Hindi maiwasang kiligin ng katabi at kaibigan niyang si Jingky. "Oo nga! Ngayon ko lang siya nakita ng personal at iba ang dating niya," sang-ayon niya. "Pero loyal pa rin ako sa boyfriend ko. Sayang at hindi nakasama ang iba sa event na ito," wika nito. "Dapat lang. Anyway, salamat sa pagsama mo sa akin dito," tugon niya. "No problem." Matapos magsalita ang binata sa harap ay muli na naman nilang narinig ang hiyawan at palakpakan ng mga naroon. Hindi maipagkakailang malakas ang dating nito sa ibang mga kababaihan at kahit siya ay hindi maalis-alis ang paningin dito.  Matapos ang event at nasa isang VIP room na ang mga modelo kasama siya. Nakapagpalit na rin siya ng damit niya upang maghanda na sa pag-uwi. Nagpapasalamat naman siya na sinamahan siya ni Jingky upang tulungan siya sa mga kakailanganin niya sa pagrampa. Nasa dressing room ang kaibigan niya upang isauli ang ibang damit na ginamit niya. Maya-maya pa ay narinig na lamang niyang nagtilian ang mga kababaihang kasama na ang mga baklang event coordinators. "Andiyan si afam Adrian!" Sigaw ng isang baklang nakigulo palabas ng VIP room. Napakunot-noo siya habang sinundan ng tingin ang ibang mga modelong tumakbo rin palabas. Ay, grabe! Tinalo pa ang kasikatan ni John Lloyd Cruz! Napapailing siya habang sinasabi iyon ng isipan niya. Muling natuon ang pagpapalit niya ng sapatos. Isang pares ng sneakers ang napili niya dahil masakit na ang kaniyang sakong sa pagsuot ng matataas na heels. "Ready na akong umuwi. Tara na?" Nag-angat siya ng tingin at ang kaibigan niyang si Jingky ang nabungaran niya. May bitbit itong isang pulang rosas na siyang ipinagtataka niya. "Saan galing ang rosas na iyan?" "Heto? Ah...ibinigay ni Adrian. Nagkagulo kasi ang mga kababaihan sa hallway dahil namigay siya ng mga pulang rosas. Women's month din kasi ngayon kaya namigay," tugon nito. "Nakigulo ka rin?" Umiling ito. "Hindi. Halos dumikit na nga ako sa pader dahil hindi ako makadaan sa dami ng mga nakigulo. Pagkalagpas ko saka niya ako inabutan. Nakapagtataka nga e dahil mabilis siyang nakahabol sa akin. Bakit hindi ka sumunod sa mga kasama mo? Ayaw mo ng pulang rosas?" tanong nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch. "Aanhin ko naman ang bulaklak? Mabuti sana kung dolyares ang ibibigay niya hindi ko tatanggihan iyon. Baka ako pa ang nauna sa pila. Oh siya, tara na. May misyon pa tayo bukas." "Hi, girls!" Gulat silang napalingon malapit sa pintuan ng VIP room nang may isang boses ng lalaking naroon. Nagkatinginan pa sila ng kaibigan niyang si Jingky nang makilala ito. He slowly walked towards them as he didn't take off his eyes on her. Nagpakawala rin ito ng matamis na ngiti na siyang dahilan upang magregodon ang payapa niyang puso. "A bunch of red roses for you." Sabay iniabot nito ang kumpol ng mga rosas sa kaniya. Napamaang siya at halos hindi nakapagsalita nang may iniabot ito. Napatitig din siya sa mga pulang rosas saka sumulyap sa binata. Napako na ang tingin niya sa kulay abo nitong mga mata na tila may kung anong hipnotismo itong ginamit. Nagtataka siya kung bakit isang kumpol ang ibibigay sa kaniya samantalang tig-isang rosas lang naman ang iniabot nito ayon na rin sa kaibigan. "I know you're wondering why I give these flowers to you. You look pale and I hope your world will be colorful with these." Lalo lang lumawak ang pagkakangiti nito sa kaniya. Hindi niya alam kung nagpapatawa ba ang binata sa kaniya o nang-aasar. Narinig na lamang niya ang mahinang paghagikhik ni Jingky sa tabi niya. Noon lamang niya napagtantong isa nga iyong biro ngunit hindi magandang pakinggan para sa kaniya. Natural lang ang kutis ko! "I’m just kidding. Here." Hindi niya pinahalatang inis siya rito at marahan naman niyang kinuha ang mga bulaklak. "Thank you, Sir." Hindi na rin niya hinintay ang tugon nito saka niya ito nilagpasan. "You're welcome! Pwede mo rin pakuluan iyan para sa namumutlang balat." Napatigil siya sa paglalakad saka lumingon dito. Nagpanting na rin ang tenga niya dahil hindi na magandang biro iyon. Alam niyang natural lang naman ang pagkaputi niya at hindi talaga maputla. Hindi niya malaman kung anong trip ng boss nilang ito. Naglakad siya palapit dito saka niya inihagis sa gwapong mukha nito ang mga rosas. "Oh, my god! Khale!" Nagulat ang kaibigan niyang si Jingky sa ginawa niya. "Hindi ko kailangan ng mga rosas mo! Tara na, Jinks!" Sabay tinalikuran niya itong muli. "S-sorry, Sir!" Narinig na lamang niyang humingi ng tawad ang kaibigan niya saka malalaki ang hakbang nilang nilisan ang VIP room. Wala siyang pakialam kung masisante siya nang dahil sa ginawa niyang iyon sa boss nila. Hindi rin naman tama ang sinabi niya? Ako maputla? Hindi ba siya nakaka-appreciate ng pinay beauties? Ang lakas ng trip niyang sabihan ako ng ganoon! Badtrip! Mula nang araw na iyon, hindi na niya nakalimutan ang binata. Hindi rin naman siya pinatawag o nasisante dahil sa ginawa niya at nagpatuloy pa rin sa pagiging isang sikat na modelo sa produkto nito.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook