"What happened to your face, son?" agad umalis ang aking ina sa pagkakakandong sa aking ama. Alas-6 na, kauuwi ko lang. Sa shock na inabot ko kanina ay napatulala ako. Pero nagpasyang umalis na agad dahil pumasok naman na sa kubo si Anais. Si dad na titig na titig sa akin ay naghihintay rin ng sagot. "Anong nangyari, Storm?" tumayo na rin si dad at lumapit. Sinipat nito ang mukha kong tiyak markado ng sampal ni Anais. Limang taon, limang taon kong iniwasan ang taong ito. Matagal din. To the point na labis na nakaapekto lalo na kay mommy. Naglumuhod pa ang aking ina para lang malaman ang dahilan ko kung bakit nagbago ang pakikitungo ko sa aking ama. "W-ala ito, mommy. Si Lola Paula nga po pala, nasaan siya?" tanong ko. "Tinatanong ka pa namin kung napaano iyan? Sinong nanakit sa 'yo, St