Nakikita na namin ang gate ng sanctuary at alam ko naman na nakikita na rin nila kami. Nakita ko rin na ang mga bantay doon sa taas ay may mga nakatutok sa dereksyon namin, mga baril. Pero dahil na rin sa bandera namin na nakalagay ay Hope Traders ay agad din naman nilang binaba. Nang makarating kami sa bukana ng Sanctuary ay agad din naman kaming pinapasok pero hindi totally sa loob ng residence nila kundi sa loob lang ng wall nila. "Hello Hope's trader." Magalang na sabi sa amin ng isang babae. "I am Gwen the deputy general of this stronghold. I'm sorry in behalf of our general he cannot welcome you for today due to some matters inside this wall." I smiled at pinakiramdaman ko naman kung mabait sya. "Hello Gwen, I'm Akesia the leader of this group." Nakita ko naman ang pagtataka sa mu