THIRD PERSON'S POV Dalawang araw na at hindi pa rin nakakakuha ng magandang sagot si Kassey sa kanyang kaibigan at hindi din nga lumalabas ang tatlong ito. Tanging ang matatandang scientists lamang ang nakakalabas sa laboratory at dinadalahan ang tatlo ng pagkain. Dahil sa sobrang busy nila sa pag aanalyze ng mga data na binibigay nila Roberto. "Grandpa Robert, can we come in?" Tanong ni Alyana at umiling naman ang matanda. "I'm sorry but you can't." "But..." "Just listen to us okay?" Walang gana naman na sabi ni Grandpa Leonde na ikinagulat nila. Inintindi na lang nila Kassey ang ugali ng matatanda dahil halata din naman sa kanila ang pagod at puyat dahil sa ginagawa nila. Sa loob ng laboratory ay busy sina Roberto, George at Jeo sa pagsilip sa microscope samantalang ang dalawa pa