"Welcome back!" kaagad na bungad sa amin ni Kass at niyakap kami isa isa. "In fairness ah nag worry ako sa inyo dahil sa mga nasa labas kanina." and umirap pa sya. "Well..." panimula naman ni Yana at tumingin sa akin. "Alam naman natin na may pagkabaliw itong leader natin hahaha." at nagtawanan pa sila. Tinaasan ko lang sila ng kilay pero tumawa lang naman sila sa akin. Okay lang hindi naman ako naooffend sa ganyang klaseng asaran and besides bakit naman ako ma-aasar kung wala namang katotohanan. "Hey." Automatic naman na napatingin ako sa nagsalita at sinimangutan ko sya saka ako nagsalita. "May pangalan ako." "I know and that name suits well to my surname." Inirapan ko naman sya. "Heck." and he smirk kaya naman napabuntong hininga na lang ako wala naman akong mapapala eh. "Ehem."