Matagal bago nakapagsalita si Trinity sa tanong ko sa kanya at sa sobrang tagal eh naburyo na ako. "Hindi naman kami masamang tao kahit na ganito kami. Oo, siguro, sa paningin nyo hindi kami tao pero hindi kami aabot sa puntong ito, sa lugar na ito kung hindi dahil sa abilidad namin. Baka din nakakalimutan nyo na dahil din kila Jullia at Min naging ligtas kayo. I know it's hard to accept but we will not force you all." At ngumiti ako ng mapakla. Tumalikod na lang ako at handa nang bumalik sa grupo ng mga kaibigan ko at handa na rin siguro ako na baka hindi talaga nila kami matatanggap. Syempre akala nila noong una sila Jullia at Min lang eh tapos malalaman nila na buong tropa maliban kay Jullius, Jr at Rj ang walang kapangyarihan. Nakakaloka nga naman di ba? Pahakbang na sana ako papala