"Gosh!" Bulalas ni Yana dahil sa inis na nararamdaman nya. Paano ba naman kasi sya hindi maiinis eh nakakailang trial and error na kami sa kakagawa ng cure pero mukhang malabo na matapos namin ng mas maaga sa inaasahan namin. "Kalma lang Ney." Dinig ko namang sabi ni Henry. Tahimik lang akong nakatingin sa palpak na cure na nagawa namin at nag iisip. Alam ko, pakiramdam ko may kulang talaga sa recipes namin. Nandito na ang patak ng dugo ni Serenity pero walamg nangyayari. "Bakit ganun? According sa note ni Kesia ay pinalatay ng blood cells ni Serenity ang mga virus. Bakit ngagon prinoprotektahan na ng dugo ng bata ang virus?" Min asked. "Hindi din namin alam Min." Dinig ko pang sabi ni Kass. Ano bang kulang? Kulang nga ba o sobra? Bakit ba ayaw gumana ng utak ko ngayon para mag isip?