Twelve hours na at medyo nakikita naman namin ang improvement ni Jullia. Hindi na sya hirap magsalita pero nandoon pa rin ang hindi sya makatayo. "Ano ba namang mukha yan sister in law?" Nakangisi nyang sabi habang pinapalutang ang isang sofa. "Ay naku Jullia kung alam mo lang." Sinamaan ko naman ng tingin si Yana at napahagikhik naman si Min. "Bakit anong nangyari?" At saka nya binaba ang sofa. Siningkitan naman nya ako ng tingin. "Don't tell me sinisisi mo na naman sarili mo." Umirap naman ako at tumawa si Yana at Min saka sabay nilang sinabi na... "Tumpak!" Naiiling naman na nagsalita si Kass. "Minsan talaga Kesh para kang ewan." "Hindi ko rin naman masisisi kung sisisihin mo ang sarili mo." Mahina na sabi ni Jullia at lumutang ako palapit sa kanya saka ako umupo sa tabi nya. "Per