"Sure ka na ba talaga na okay lang na pumasok talaga tayo doon?" Tanong ni Kass. Nang makaalis na ang mga taga Sanctuary ay saka lang kami nakahinga ng maayos. Kapag kasi nanjan sila hindi kami gaano makaayos. Nang makarecover lang sila saka lang sila umalis at parang gusto nga kausapin pa kami dahil sa naramdaman ko na urge sa kanila na makausap kami. "Oo, bukod sa lobo na handa tayong kainin wala na akong ibang nakita pa na kakaiba." Sabi ko and nag nod naman sila. "Yun ay sa may bandang gitna pa lang wala pa talaga sa kalagitnaan. Siguro may mas malala pa sa gitna pero mas mapapadali ang pagdating natin sa tagpuan kapag dito tayo dumaan." I added. "I agree. Hindi na rin naman natin pwede i-byahe ng sobrang layo sila Phia at Sunshine kailangan na nila magpahinga sa matinong higaan."