"Ayos ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa hospital?" masuyo at nag-aalalang wika ni Angelo habang hinahaplos ang likod niya. Nasa loob sila ng banyo at katulad ng mga nakaraang umaga ay nagsusuka na naman siya. Wala namang lumalabas sa bibig niya pero ang pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Medyo nahihilo rin siya at medyo nanghihina ang kanyang katawan. Ganito lagi ang tagpo nila sa umaga at laging nasa tabi niya si Angelo para alalayan siya. Sobrang alaga siya ng asawa.. "Ayos lang ako, Angelo. Medyo nasasanay na rin ako at normal lang ito sa mga nagdadalang-tao. Mawawala rin ito," wika niya. Tumango naman ito bago siya binuhat palabas ng banyo. Inihiga siya nito sa kama bago siya hinalikan sa noo. Wala silang pasok ngayong araw at parang ang gusto niya lang ay ma