CHAPTER 6
PRESENT TIME:
Marahan na pinunasan ni Beatrice ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. Nanatili lang siyang nakahiga sa kanyang kama at nakatitig lamang sa kisame ng kanyang kwarto habang inaalala ang mga pangyayari noong kinse anyos pa lamang siya.
That was her first heartbreak. Ronniel was her first heartbreak.
Matapos nang gabi ng prom night nila ay ramdam na niya ang pagdistansiya ni Ronniel sa kanya. Totoong nadestino ito sa malayo, isang linggo pagkatapos ng gabing iyon. And when he came back after how many months, he visited her brothers. Pumunta ito sa kanila at maging siya kinumusta din nito. Ngunit sa kabila niyon ay ramdam niya na naglagay ito ng distansiya sa pagitan nilang dalawa.
Somehow, she felt that she was the one who ruined their friendship. Kung hindi niya siguro inamin dito ang nararamdaman niya ay malamang na malapit pa rin sila sa isa't isa. Though, she could still feel Ronniel's concern for her despite everything. Lagi pa rin itong masuyo kung makipag-usap at makitungo. Totoo nga ang sinabi nito na parang kapatid ang turing nito sa kanya.
Hanggang sa tumuntong siya sa kolehiyo. She spent her first year in college here in the Philippines. Ngunit simula ng kinse anyos siya, ramdam ni Beatrice na hindi na siya ganadong mag-aral pa. Not that she did not like to study anymore. Kailan man ay hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral.
Pero simula nang masaktan siya kay Ronniel ay mistula bang sapat na sa kanya ang makapasa lang. Unlike before na waring lagi siyang nacha-challege sa pag-aaral. She wanted to always excel and be the best on their class.
Ngunit matapos ng pag-uusap nila ng binata sa sasakyan nito ay hindi na niya madama sa kanyang sarili na nais niya pang gawin ang lahat ng makakaya niya para sa pag-aaral. She was contented that she never failed in all her subjects. Ngunit hindi na niya hinangad na maging pinakamahusay sa lahat.
Ngunit ang kanyang mga magulang ay hindi natuwa sa nangyayari sa pag-aaral niya noon. Simula nang natanggal siya sa pagiging first honor dahil nagbigay daan siya sa kaklase niyang kailangan i-maintain ang scholarship ay lagi nang bantay sarado ng kanyang mga magulang ang mga grado niya.
Nais ng mga itong makabalik siya sa pagiging top sa klase. But she did not feel like competing with anyone. Hindi niya kailangang makipagkompetensiya sa iba para maging magaling sa mata ng lahat. Kahit magtapos siya ng walang karangalan ay hindi siya mamumulubi. The Olvidares' wealth can last her a lifetime.
Until her father decided to send her to Florida. Dahil daw hindi siya nagseseryoso sa pag-aaral ay ipinasya nito na magtungo siya sa kanilang Auntie Lani, her mother's cousin. At doon ay pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.
Wala siyang nagawa sa kagustuhan ng kanyang ama.
Nang araw na paalis na siya ng bansa ay kasama pa ng kanyang pamilya si Ronniel sa paghatid sa kanya sa airport. Naroon ito at kasama nilang naghihintay sa pag-alis nila ng kanyang ina. But he never said anything to her but just goodbye.
Isang beses niya pa nakita muli ang binata matapos niyon. At iyon ay nang umuwi siya para sa libing ng kanyang ama nang mamatay ito. Then the next time she saw him was yesterday, during Jake's wedding.... at kasama na nito ang kasintahan na si Aria.
Abruptly, Beatrice sat on her bed. She heaved out a deep sigh. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang maghayag siya ng damdamin niya kay Ronniel. At kahapon sa kasal ng kanyang Kuya Jake, mistula ba ay limot na nito ang gabing iyon at maging ang mga sinabi niya. Bumalik sa dati ang pakikitungo nito sa kanya na wari ba ay hindi nangyari ang pag-amin niya ng nadarama para dito.
He was wrong all along. Hindi siya ang nakalimot sa damdamin niya para sa binata. Bagkus ay ito ang hindi na naalala ang naging pag-uusap nila nang gabi ng prom night.
*****
NANG dumating ang oras ng hapunan ay bumaba si Beatrice mula sa kanyang silid. Alam niyang nakauwi na ang kanyang Kuya Jake. Narinig na niya ang pagdating ng sasakyan nito.
Maghapon ay nasa silid lamang si Beatrice. Dahil sa nainom kagabi ay maghapon ang p*******t ng ulo niya. Idagdag pa na wala siya sa mood para gumawa ng ibang bagay.
Ngunit dahil narito na ang kanyang nakatatandang kapatid ay hindi maaaring hindi siya sumalo sa pagkain. Alam niyang magtataka ito kung hindi siya bababa para sumalo sa mga ito. Besides, ipipilit pa rin nito na sumabay siya sa paghahapunan.
Pagdating sa dining area ay naroon na ang lahat. Nakaupo na sa may kabisera ng mesa ang kanyang Kuya Jake at nakapamalit na rin ito ng pangbahay. Sa kanang bahagi nito ay nakaupo si Francheska na abala sa pagpapakain sa panganay na anak ng mga ito, si Lucas.
Sabay pang napalingon ang mag-asawa nang bumungad siya sa may komedor. Agad na siyang naupo sa kaliwang bahagi ng kanyang kapatid.
"How are you?" narinig niyang tanong ni Jake nang nagsisimula na siyang galawin ang kanyang pagkain.
Nag-angat siya ng mukha dito at nakita itong nakatunghay sa kanya. Maging si Francheska ay lumingon din sa kanyang kinauupuan.
"I... I am okay," sagot niya dito sa mahinang tinig. Hindi niya alam kung para saan ang tanong ng kanyang kuya. Dahil ba sa nakainom siya kagabi kaya kinukumusta siya nito? O may alam ba ito sa pinagdadaanan ng puso niya?
"Good," tumatango nitong pahayag. "So, what is your plan now?" tanong nito sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.
"Plan about what?" nagtataka niyang balik tanong dito. Saglit na niyang itinigil ang pagkain at tumitig na lamang sa mukha ng kanyang kapatid.
"Plan about your life," matigas na wika ni Jake sa kanya. "Nakapagtapos ka na ang kolehiyo. Ano na ang plano mong gawin ngayon?"
"I... I do not know," tugon niya dito at niyuko ang pinggan na nasa kanyang harapan. Nilaro niya ang karneng nakahain doon gamit ang hawak niyang tinidor.
"What do you mean you do not know?" tanong muli ni Jake sa kanya.
"Jake..." wika ni Francheska sa asawa nito. Nasa tono ng babae ang pagsaway sa kanyang kapatid.
Wari namang natauhan si Jake at naalala na nasa harap sila ng hapag. Umayos ito ng pagkakaupo at banayad na itinuloy ang pagkain nito. Maging si Beatrice ay itinuloy na rin ang pagkain niya.
Totoo ang naging sagot niya sa kanyang nakatatandang kapatid. Hanggang ng mga sandaling iyon ay wala pa siyang naiisip gawin ngayong nakapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral. But definetely ay hindi siya papasok sa kanilang kompanya. Kailan man ay hindi niya pinangarap na mamahala sa isang napakalaking kompanya.
She wanted to start something new. Ang nais niya sana ay magtayo ng ibang negosyo. Iyong matatawag niyang sariling kanya. Sa laki ng mana na nakuha niya mula sa kanilang mga magulang ay makakaya niyang mag-umpisa ng negosyong nais niya.
At habang nakaupo siya roon sa harap ng hapag ay agad pumasok sa isipan niya ang isang bagay na gustong-gusto niyang gawin--- baking. Bakit nga ba hindi siya magtayo ng sarili niyang negosyo?
Agad na naputol ang ano mang tumatakbo sa isipan niya nang muli ay magsalita si Jake.
"Starting on Monday ay papasok ka na sa OMC, Beatrice. Ikaw na ang hahawak sa production," saad nito sa kanya bago uminom ng tubig.
"Kuya Jake, hindi ko nais na---"
"Wala ka pang planong gawin ngayong tapos ka na mag-aral," saad nito na nakapagpahinto sa pagsasalita niya. "Then, why don't you work in our company?"
"Hindi ko nais pumasok sa OMC, Kuya Jake. I want to start---"
"Pinagbigyan ko na si Vincent nang tumanggi siyang humawak ng kahit anong posisyon sa kompanya, Bea. At least, he has an excuse. Nariyan ang Rancho Olvidares na kailangan niyang asikasuhin. But you," wika nito na tumitig sa kanyang mukha. "if you don't know what you are going to do with your life, then work in OMC."
"Pero, Kuya Jake. I want to do something else. Ayokong nakakulong lang sa isang opisina at walang ibang ginagawa kung hindi mga paperwork," katwiran niya dito.
"At ano ang gusto mong gawin?" bwelta sa kanya ni Jake. "You think na hindi ko alam ang ilang bagay na ginagawa mo sa Florida? Don't tell me na ang nangyari kagabi ay ang unang beses na pagtungo mo sa bar, Beatrice."
She was stunned on what he said. Totoong nakapunta na siya sa bar kasama ang ilan niyang kaklase sa Florida. Ngunit ang mga pagkakataon nga na ganoon ay mabibilang lamang sa kanyang mga daliri. Hindi lagi ay ganoon ang ginagawa niya sa ibang bansa.
"At nabanggit din sa akin ni Aunt Lani na nagtungo ka sa Las Vegas. Para ano? Para manood lang ng fashion show?" dagdag pa ni Jake sa paglilitanya nito.
Yes, she remembered that day. May kaklase siya na may hawak na ticket para sa isang sikat na fashion show na ginanap sa Las Vegas. And since, mahilig din siya sa ganoong mga event ay pumayag siya nang ayain siya ng kanyang kaibigan. Pinayagan siya noon ng kanilang tiyahin. Ngunit hindi niya alam na binanggit pala nito ang tungkol doon sa kanyang kapatid.
Lagi kayang nagtatanong si Jake sa kanilang Auntie Lani ng tungkol sa kanya? Kaya ba kahit nasa ibang bansa siya ay alam nito ang nangyayari sa kanya?
"It only happened once, Kuya," paliwanag niya dito.
Mataman siyang tinitigan nito. "Papasok ka pa rin sa OMC, Beatrice. That company is ours, hindi lang sa akin."
"You are treating me like a child," himutok niya dito kasabay ng tuluyang pagbitaw sa mga hawak niyang kubyertos. "Lahat na lang ng sinasabi mo ay kailangan kong gawin."
"Beatrice---"
"Jake," singit ulit ni Francheska. "Nasa harap tayo ng hapag."
Naiiritang napatayo na lamang si Beatrice. Kung hindi siya aalis doon ay hahaba pa ang sagutan nilang magkapatid.
"Excuse me, papanhik na ako sa aking silid," wika niya na kay Francheska nakatitig.
"Hindi ka pa tapos kumain, Bea," malumanay na saad ng kanyang hipag.
"Busog na ako... sa sermon ni Kuya. Excuse me," aniya sa mga ito. Ni hindi na niya hinintay na may muli pang magsalita sa dalawa. Agad na siyang naglakad palabas ng komedor at tinalunton ang daan patungo sa kanyang silid.
Sinundan na lamang ni Jake ng tingin ang kanyang bunsong kapatid. Nang tuluyang makalabas ito ng dining area ay hinarap siya ng kanyang asawa.
"Don't you think you are being too hard to your sister?" tanong ni Francheska sa kanya.
"She needs it," tugon niya dito na umani ng pagkunot ng noo nito.
"Kailangan niya ng pagmamalupit mo?"
"Pagmamalupit? Sweetheart, I am never like that to her," naaaliw niyang wika sa kanyang asawa. "Ang ibig kong sabihin ay kailangan niya ng paglalaanan ng oras, ng pagkakaabalahan. So I asked her to work at OMC."
"What do you mean?"
"The best way to move on is to have a distraction in life," makahulugan niyang wika kay Francheska.
He knew about Beatrice's feelings for Ronniel. Matapos ng prom night nito noon ay kinausap siya ni Ronniel at nabanggit ng kanyang kaibigan ang pag-amin ng kanyang kapatid sa damdamin nito.
At kahapon ay alam niyang nasaktan ito nang malamang ikakasal na ang binata kay Aria. Ang buong akala niya ay mawawala din ang nadarama nito para kay Ronniel sa paglipas ng mga taon. Ngunit waring hindi iyon nangyari.
He saw how hurt she was yesterday. At alam niyang iyon din ang dahilan ng paglabas at pag-inom nito kagabi. Kaya naman nais niya itong maging abala upang kahit papaano ay makalimot ito.
Ang totoo ay may isa pang mas mabisang paraan upang maghilom ang sugat sa puso ng kanyang kapatid. Iyon ay kung matutuon ang pansin nito sa ibang lalaki.
At pwedeng mangyari iyon kung pumayag lamang si Paul sa nais niya. Ngunit hanggang ng mga oras na iyon ay wala pa itong ginagawang hakbang tungkol sa pinag-usapan nila nang minsang magtungo ito sa kanyang opisina.
Though, Jake was puzzled kung paanong nangyari na magkasama ang mga ito kagabi. Pumapayag na ba ang binata sa alok niya dito hinggil sa kanyang kapatid?