CHAPTER 46 Sa mabilis na kilos ay humakbang palapit sa kanyang kinatatayuan si Paul. Beatrice was about to say something to her husband. Ngunit hindi pa man din niya naibubuka ang kanyang bibig para magsalita nang bigla ay kunin na ni Paul mula sa kanyang mga kamay ang folder na hawak-hawak niya, bagay na sadyang ikinagulat niya pa. Naguguluhan man ay hindi na nagbigay pa ng komento si Beatrice sa ginawa nito. She watched her husband as he gathered all the folders from his table. Sinalansan nito ang mga iyon at naglakad patungo sa isang drawer na may lock at doon ay inilagay nito ang mga files na kinuha nito. "Is there something wrong?" naguguluhan niya pang wika dito. "Nothing," anito sabay lingon sa kanya. "Those are confidential files, Bea. Mga kasunduan iyon ng investors sa kompany