CHAPTER 53

2054 Words

CHAPTER 53 Nagising si Beatrice nang sumunod na araw dahil sa pakiramdam na parang may tumititig sa kanya. Dahan-dahan ay iminulat niya ang kanyang mga mata hanggang sa bumungad sa kanyang paningin ang mukha ng kanyang asawa. Nakaupo ito sa kanyang tabi at mataman na nakatungkhay lamang sa kanya habang siya ay nakahiga. Mayamaya pa ay umangat ang isang kamay nito patungo sa kanyang pisngi at doon ay masuyong siyang hinaplos. Inalis pa nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing na sa kanyang mukha. "How are you feeling now, sweetheart?" masuyo nitong tanong sa kanya. Alam niya na ang tinutukoy nito ay ang nangyari kagabi. She broke down. Sa loob ng ilang minuto ay wala siyang ginawa kung hindi ang umiyak habang siya ay nasa mga bisig nito. Ilang saglit din silang nanatili nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD