Kabanata 1

342 Words
"Am I really that selfish for loving you the way you love her... Am I L?" I asked. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Hanggang simpleng bagay na lang ba ang makukuha ko? Na pati s'ya ay di ko maaring abutin? Gusto kong tumawa sa posisyon namin pero hindi ko magawa. S'ya na blangkong nakatingin sa akin, habang ako'y umiiyak na nakaluhod sa harapan n'ya. Nagmamakaawang manatili s'ya sa akin. Akala ko... Akala ko magiging akin s'ya sa desisyong ginawa ko. Pero mas lalo lamang s'yang lumayo. Alam kong mali ang ginawa ko, pero inakala kong ito ang maglalapit sa amin. Siguro karma ko na 'to. Karma ko na sa lahat ng kasamaang nagawa ko. Sobra na nga ata akong naging makasarili, to the point na pati ang sarili kong kapatid, inahas ko. "Get out!" Madiin ngunit may pagtitimping sambit n'ya. Pero ako'y nanatiling nakayuko roon. Hoping na aaluin n'ya ako , yayakapin at sasabihing magiging ayos lang ang lahat. "I said get out Samantha! Before I lost my control and slash your head off! Get out!" Wala akong nagawa kundi mabilis na tumayo at lumabas sa pinto ng ganito ang itsura. Isang basahan na itinapon. Samantha. Palagi ka na lang bang talunan? Na maging ang pangarap mo ang mismong tumatakbo palayo sa'yo. Ganoon nga siguro ako kamalas. Hinang hina ako pero di ko magawang umupo at umiyak na lang. Tama na siguro ang ilang beses na pagpapakatanga. Ilang beses na pagpapakababa. Panahon na siguro para ang sarili ko naman ang mahalin ko. Napagod na ata ako. I pleaded. Ibinaba ko ng husto ang sarili ko. Tinalo ko ang lahat para maging akin s'ya. But in the end, I'm just Samantha. The sister of his beloved woman. Mananatili akong pangalawa sa paningin ng lahat, maging sa paningin n'ya. Hinding hindi ko maaagaw ang puso ng lalaking mahal ko. Mas napatunayan ko lang sa mga desisyong nagawa ko na kahit kailan, hindi magiging akin ang bagay na tinangka ko lamang nakawin. Hinding hindi ako magiging si Sartala, at mas lalong hinding hindi s'ya magiging akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD